• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 arestado sa buy bust Valenzuela

Pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang natimbog ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa magkahiwalay na buy bust operation ng sa Valenzuela city.

 

 

Ayon kay SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Magregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa No. 3613 Clemente Compound, Brgy. Gen. T. De Leon.

 

 

Kagaad dinamba ng mga operatiba ang kanilang target na si Benson Maguigad, 44, tricycle driver matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Kasama ring nadakip sa operation sina Elmer Martin, 48, Arnold Carabbacan, 59, Luis Carvajal, 52, Christopher Sison, 43, at Jeffrey Restum, 32 matapos maaktuhan ng mga operatiba na sumisinghot umano ng shabu.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy bust money, P640 cash, 5 cellphones, dalawang nakabukas na plastic sachets na may bahid ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

 

 

Alas- 3 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU si Francis Cruz, 40 ng Ilocto St. Parada sa buy bust operation sa Santolan Road, Brgy. Gen. T. De Leon.

 

 

Ani SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, narekober kay Cruz ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, P300 buy bust money, P200 cash, cellphone at isang motorsiklo.

 

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Actr of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • OFW SA ISRAEL, HINDI MUNA MAGPAPADALA

    HINDI  na muna magpapadala ng mga Pinoy overseas Filipino workers  sa Israel.     Sa kumpirmasyon ngayon ni Labor Secretary Silvestre  Bello III , sinabi nito na ang suspensyon ng pagpapadala ng manggagawang Pinoy ay dahil na rin sa nangyayari sa pagitan ng Israel at grupo ng  hamas at iba pang armadong militante sa Palestine. […]

  • DICT, pabor na I-regulate ang paggamit ng TikTok sa Pilipinas

    Pabor ang Department of Information and Communications Technology na I-regulate ang paggamit ng Social media platform na TikTok sa Pilipinas.       Ito ang inihayag ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy kasunod ng paghahain ng bill sa Kamara de Representantes na naglalayong ipagbawal sa bansa ang mga Foreign adversary-controlled applications tulad ng TikTok.     […]

  • 3 biktima ng human trafficking naharang sa NAIA

    HINARANG  ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong babaeng pasaherong patungong Lebanon na nagtangkang umalis sa pagkukunwari bilang mga turista. Sinabi ni BI Commissioner Noman Tansingco, ang tatlong babae ay pinigil sa pag-alis sa kanilang mga flight matapos nilang aminin na sila ay papuntang Lebanon at […]