Opening ng WNBL, NBL pag-aaralan pa – Mercado
- Published on April 5, 2021
- by @peoplesbalita
IPINASYA ng Women’s National Basketball League (WNBL) at National Basketball League (NBL) na ipagpaliban muna ang planong 2021 season opening pagkatapos ng Holy Week.
Sa pahayag ng dalawang liga nitong isang araw lang, ipapalabas na lang ang bagong petsa sa pagbubukas nito para na rin sa kaligtasan mula ng lahat sanhi nang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at kanunog n itong Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.
Kaugnay nito, bumalangkas si WNBL/NBL chairman Celso Mercado ng isang ad-hoc committee kung saan mga kasapi nito ang executives ng mga kalahok na team sa dalawang liga na may mga puwestong pampubliko rin sa kani-kanilang mga Local Government Unit (LGU) para sa monitong ng pandemya.
Itinaas sa loob isang lingggo ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal, at Laguna sa ilalim ng NCR+ GCQ (general community quarantine) noong Marso 22 at matatapos sa Abril 4. (REC)
-
3 sangkot sa droga timbog sa buy-bust
Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas at Valenzuela Cities. Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez […]
-
Disqualification cases vs BBM, ibinasura ng Comelec First Division
WALA nang hadlang sa pagtakbo sa pagkapangulo ni dating Sen. Bongbong Marcos. Ito’y makaraang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang lahat ng natitirang disqualification cases na isinampa laban sa kanya. Sa 44-pahinang resolusyon na pinonente ni Commissioner Aimee Ferolino ng First Division at sinang-ayunan ni Commissioner Marlon Casquejo, […]
-
Mahigit P154M educational aid ang naipamahagi ng DSWD sa mga 53,000 students in crisis
MAHIGIT 53,000 “students-in-crisis” ang nakatanggap ng one-time cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unang araw ng Educational Assistance Payout ng ahensya noong Agosto 20. Batay sa datos ng DSWD, ang ahensya sa ngayon ay naglabas ng P154 milyon na cash assistance para sa mga mag-aaral na nangangailangan […]