3 sangkot sa droga timbog sa buy-bust
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas at Valenzuela Cities.
Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa P. De Vera St., Brgy. Sipac Almasen.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Dennis Villanueva, 55 matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Kasama ring inaresto ng mga operatiba si Ernando Borja, 37, na sinasabing umiiskor ng droga kay Villanueva. Narekober sa mga suspek ang 202 gramo ng shabu na tinatayang nasa P14,960 ang halaga, buy-bust money at P300 bills.
Sa Valenzuela city, natimbog din ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU team si Joseph Laganina, 35, sa buy-bust operation sa P. Gomez St. Brgy. Maysan sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega.
Ani SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., nakuha kay Laganina ang 1 gramo ng shabu na nasa P6,800 ang halaga, P300 buy-bust money, P200 bills at dalawang cellphones. (Richard Mesa)
-
May offer na movie na makakatambal niya si JASMINE: JOHN LLOYD, nilinaw na hindi exclusive contract star ng GMA dahil may sariling management
MARAMI nang naghahanap kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at marami nang tanong sa GMA Network kung kailan siya muling gagawa ng project? Napapanood lamang ngayon si Marian every Saturday, sa pagho-host niya ng OFW drama anthology na Tadhana. Sa ngayon daw ay naka-leave pa rin si Marian, dahil ingat na ingat pa rin […]
-
5 ARESTADO SA SHABU SA CALOOCAN
LIMANG hinihinalang drug personalities ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. dakong 9:10 ng gabi, nagsasagawa ang kanyang mga tauhan ng Oplan Galugad na sa kahabaan ng Binata St. Brgy 144, Bagong Barrio nang maispatan nila ang isang grupo ng […]
-
Ads November 10, 2022