‘Household lockdowns,’ inirekomenda sa pamahalaan dahil sa pagsirit ng COVID cases
- Published on April 6, 2021
- by @peoplesbalita
Nananawagan si Marikina Rep. Stella Quimbo sa pamahalaan na magpatupad ng “household lockdown” sa harap nang surge ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ng ekonomistang kongresista na kailangan na magkaroon ng mas marami pang “localized lockdown” para mapigilan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.
Ayon kay Quimbo, ang isang bahay na mayroong COVID positive patient ay kailangan na isailalim sa lockdown at lahat ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nakatira rito ay dapat na maibigay sa kanila sa tulong na rin ng mga local government units.
Mahalaga rin aniyang mabigyan sila ng sapat na cash, at hindi lamang ng in-kind assistance, bukod pa sa sick leave para sa mga nagtatrabahong miyembro ng household.
Kahapon, inanunsyo ng pamahalaan ang pagpapalawig ng isa pang linggo sa enhanced community quarantine (ECQ) status sa mga lugar na sakop ng NCR (National Capital Region) Plus dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa.
Iginiit ni Quimbo na mawawalang saysay ang pagpapalawig sa ECQ kung hindi naman babaguhin ng Department of Health ang approach nito sa pagresolba sa mga problemang hatid ng pandemya.
-
PBBM, hangad ang maagang pagsisimula ng P100-M JOLO AIRPORT PROJECT
ITINUTULAK ng gobyerno ang agarang implementasyon ng P100-million Jolo Airport Development Project sa Sulu. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang lahat ng aspeto ng ‘major infrastructure’ na ginagawa ay nakaayos na upang sa gayon ay makapagsimula na sa lalong madaling panahon. “Kasabay ng pagbibigay […]
-
Ads September 8, 2023
-
Pacquiao No. 4 sa GOAT list
Pasok si Manny Pacquiao sa Top 25 Greatest Boxers of All Time ng isang online site dahil sa tagumpay na nakamit nito at sa kontribusyon nito sa mundo ng boksing. Inokupahan ni Pacquiao ang ikaapat na puwesto sa ilalim ng nangunang sina No. 1 Muhammad Ali, No. 2 Sugar Ray Robinson at No. […]