• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 6th, 2021

‘Fan Girl’, humakot ng pitong awards sa ‘4th EDDYS’; PAULO at CHARLIE, tinanghal na Best Actor at Best Actress

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGING matagumpay ang star-studded virtual awards night ng ikaapat na edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 

 

Napanood ito sa FDCP Channel (www.fdcpchannel.ph) at iba pang online platforms kabilang na ang official Facebook page ng SPEEd noong Linggo nang gabi, Abril 4 na kung saan ang mahusay na award-winning Kapamilya star na si Robi Domingo ang nagsilbing host.

 

 

Humakot ng pitong parangal ang pelikulang Fan Girl na kung saan tinanghal na Best Actor si Paulo Avelino at Best Actress naman Charlie Dizon.

 

 

Naging espesyal ang paghahayag ng nanalo dahil sa pagpapaunlak na maging bahagi ng awards night sina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na nag-present ng mga nominado para sa Best Actress habang ang AKTOR Chairman of the Board at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang naghayag ng Best Actor nominees.

 

 

Matatandaan na si Cong. Vilma ang kauna-unahang EDDYS Best Actress para sa pelikulang Everything About Her at si Dingdong naman ang nagwaging Best Actor sa 3rd EDDYS para sa pelikulang Sid & Aya: Not A Love Story.

 

 

Si Antoinette Jadaone ang nanalong Best Director para sa Fan Girl na itinanghal na Best Picture at nakuha rin niya ang tropeo para sa kategoryang Best Screenplay.

 

 

Wagi rin ng technical awards ang nasabing pelikula, nakuha rin nila ang Best Sound at Best Editing.

 

 

Samantala, waging Best Supporting Actor naman si Edgar Allan Guzman para sa Coming Home habang ang Best Supporting Actress trophy ay napunta kay Shaina Magdayao para sa Tagpuan.

 

 

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ni Chairperson/CEO Liza Diño-Seguerra (na ginawaran ng first EDDYS Service Award dahil sa Dear Program ng FDCP), ang successful 4th EDDYS ay idinirek ng OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra.

 

 

Narito ang complete list ng mga nagwagi:

Best Picture – Fangirl

Best Director – Antoinette Jadaone (Fangirl)

Best Actor – Paulo Avelino (Fangirl)

Best Actress – Charlie Dizon (Fangirl)

Best Supporting Actor – Edgar Allan Guzman (Coming Home)

Best Supporting Actress – Shaina Magdayao (Tagpuan)

Best Screenplay – Antoinette Jadaone (Fangirl)

Best Cinematography – Rody Lacap (Magikland)

Best Visual Effects – Richard Francis & Ryan Grimarez (Magikland)

Best Musical Score – Kean Cipriano (On Vodka, Beer and Regrets) and Paulo Protacio (The Boy Foretold by the Stars (tie)

Best Production Design – Ericson Navarro (Magikland)

Best Sound – Vincent Villa (Fangirl)

Best Editing – Benjamin Tolentino (Fangirl)

Best Original Theme Song – “Ulan” by Jhaye Cura & Pau Protacio (The Boy Foretold by the Stars)

(ROHN ROMULO)

80.85% ng COVID-19 vaccines ang nai-rollout ng pamahalaan sa first quarter ng 2021 –Galvez

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG umabot na sa 80.85% ng COVID-19 vaccines ang nai-rollout ng pamahalaan sa first quarter ng 2021 sa gitna ng pagtaas ng coronavirus infections sa bansa.

 

Base sa naging presentasyon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.’ sa Cabinet meeting, araw ng Lunes ay may 1,233,500 mula sa bilang na 1,525,600 kabuuang vaccine shots ang naipadala sa 2,497 immunization sites, na ang sakop ay 771 lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

 

Malinaw na bumaba aniya ng 98 percent ang vaccine deployment noong Marso 23 habang ang pamahalaan ay tumanggap ng marami pang bakuna na nakuha mula sa ilang kompanya.

 

Sinabi pa ni Galvez na may 668,016 health care workers na ang nakatanggap ng kanilang first shot ng bakuna na magbibigay proteksyon sa mga ito laban sa respiratory ailment, na nakapag-infect naman sa mahigit 700,000 filipino.

 

Hinggil naman sa vaccine deliveries ngayong second quarter, ang bansa ay makatatanggap ng 1.5 million shots mula sa Sinovac, 100,000 shots mula sa Gamaleya, 1 million mula sa COVAX facility ngayong Abril.

 

Sa darating na Mayo, makakakuha ang Pilipinas ng 2 million Sinovac shots, 2 million mula Gamaleya, 2.6 million mula AstraZeneca, 1 million mula COVAX, at 194,000 mula Moderna.

 

Inaasahan naman aniya ng bansa ang 4.5 million doses mula Sinovac, 4 million mula Gamaleya, 1 million mula Novavax, and 2 million from AstraZeneca by June this year.

 

Habang sa third quarter, nakikita naman ng Pilipinas na makatatanggap ito ng 13.5 million vaccine shots para sa buong buwan ng Hulyo.

 

May kabuuang , 3 million ay manggagaling mula Sinovac, 4 million mula Gamaleya, 1 million mula Moderna, 2 million mula Novavax, 1.5 million mula Johnson & Johnson, at 2 million mula AstraZeneca.

 

Samantala, 40 million doses ng bakuna ang inaasahan naman na darating sa buwan ng Agosto at Setyembre.

 

Nakikita rin ng pamahalaan na mahigit sa 140 million doses ng COVID-19 vaccines ang ide-deliver sa bansa sa fourth quarter ng 2021 partikular na makatatanggap ang bansa ng 20 million doses kada buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre.

 

Samanala, hangad naman ng pamahalaan na mabakunahan ang 500,000 hanggang isang milyong katao kada linggo simula buwan ng Abril hanggang Mayo at makapagbakuna ng 2 milyon hanggang 23 milyon kada linggo mula Hunyo hanggang Hulyo kung ang suplay ng bakuna ay maide-deliver “on time”.

 

“Very bold po ang ating target so that just in case magkaroon ng slippage at least medyo mataas ang vaccination rollout,” ang pahayag ni Galvez.

 

“Para ma-achieve ang herd immunity kailangan ng vaccinations ng more or less than 450 to 500 a day,” dagdag na pahayag nito.

 

Tinitingnan din aniya nila ang mga manufacturers ng booster vaccines o second-generation vaccines para mabawasan ang COVID-19 sa bansa na makatutulong din sa ekonomiya na makabawi at makabangon matapos na tamaan ng pandemiya.

 

“Pinaka parang target natin, we will have a better Christmas sa 2021. Pinaka-target natin complete elimination of covid-19 so with that we are coordinating different manufacturers nade-develop ng booster vaccines that can prevent and neutralize variants. So ang ano natin is to eliminate the COVID-19 disease,” ani Galvez. (Daris Jose)

Muling pag-extend ng ECQ sa NCR PLus, malabo- Sec. Roque

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALABONG i-extend o palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) para sa third consecutive week sa NCR Plus sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malayong mangyari na i-extend ang ECQ lalo pa’t nabanggit na ni Budget Secretary Wendel Avisado na wala ng budget para sa karagdagang ayuda sa low-income households kapag ipinatupad ang nasabing extension.

 

Naglaan ang pamahalaan ng  P22.9 billion budget para sa “in cash” o “in kind” aid sa mga low-income families na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ mula Marso 29 hanggang Abril 11.

 

Ang nasabing ayuda ay P1,000 kada indibidwal na may maximum na P4,000 kada low-income family.

 

“Considering the statement of Secretary Avisado and that Congress is in recess so we will have to request for a special session for a supplemental budget, I don’t think we will have an ECQ for a third week,” ayon kay Sec. Roque.

 

“The model that the DOH (Department of Health) is looking at is two weeks of ECQ and another week of MECQ (modified ECQ),” dagdag na pahayag nito.

 

Ang ECQ protocol, na epektibo sa NCR Plus (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal) mula Marso 29 hanggang Abril 11, ang pipigil sa non-essential trips at non-essential businesses at services mula sa pag-operate.

 

Ang polisiyang ito ay nagtapos noong Abril 4 bago pa ito na-extend para sa panibagong isang linggo bunsod ng tumaas na COVID-19 cases.

 

“The two-week ECQ and the possible one-week MECQ, as well as intensified contract tracing, isolation and having more mobile hospitals equipped with intensive care units and compliance of minimum public health standards, should significantly reduce the number of COVID-19 cases by May,” anito.

 

“We expect to reduce the COVID-19 cases by 4,000 a day by May 15,” aniya pa rin.

 

Hindi naman naging malinaw kung paano magiging iba ang MECQ sa ECQ sa panahon ngayon dahil ang ECQ policy ngayong taon ay hindi katulad noong 2020 kung saan pinapayagan ang public transportation na mag-operate ng hanggang 50% capacity.

 

Ang probisyon ukol sa public transportation ay pinapayagan lamang sa ilalim ng MECQ protocol noong nakaraang taon. (Daris Jose)

Kasalang LUIS at JESSY, pinilit maging sikreto pero lumabas pa rin at maraming nakahula

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA totoo lang, hindi na kami nagulat at tingin din namin, sampu ng netizens na isang buwan na palang kasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

 

 

Gaano man nila pinilit na maging pribado at sikreto ito na ginanap sa The Farm at San Benito noong February 21 ng taong ito, may lumabas pa rin na picture ng dalawa sa social media. At doon pa lang, marami na ang nakahula at nagsabing kinasal na nga sila.

 

 

Tama rin ang comment ng netizens na kaya hindi pa nila ina-announce, kasi, sa You Tube nila ilalabas para kumita pa.

 

 

Again, true enough.

 

 

Simple, intimate pero masasabing elegant ang looks ng wedding nina Jessy at Luis. Dinaluhan din ito ng kanilang mga magulang katulad nina Congresswoman Vilma Santos at Edu Manzano. Gayundin ang kanilang mga asawa.

 

 

Hindi pa rin nawala ang pagpapatawa ni Luis nang bigkasin nito ang kanyang wedding vow, ang lyric ng “A Warrior is a Child” ang sinabi nito. Pero bumawi rin naman sa totoong vow niya. Parehong nangako na magsasama at mamahalin nila ang isa’t-isa.

 

 

At sana nga, mapanindigan nila ito hanggang sa huli. Sana nga may forever sa kanilang dalawa.

 

 

Dahil sa pandemic kaya pinush na nila ang kanilang intimate wedding, pero sa December raw ng taong ito nila pina-plano ang talagang church wedding.

 

 

***

 

 

SA mga posting ni Jennica Garcia tungkol sa kanyang lola tila nailalabas ng actress ang kanyang emosyon o pinagdadaanan.

 

 

Nakakaiyak ang huling pagpapaalam ni Jennica sa kanyang namayapang lola. Namatay ang lola ni Jennica at ina ng aktres na si Jean Garcia sa edad na 70 years old dahil sa COVID-19.

 

 

May huling bilin o request din ito sa lola niya na sana raw, ipakiusap o sabihin sa Panginoon ngayong makakasama na nito.

 

 

Ramdam na ramdam ang bigat na dala ni Jennica na sa unang post nga niya, nabanggit niya na naging napakahirap sa kanya ng buwan ng March.

 

 

Ayon kay Jennica habang umiiyak, “Lola, sabihin mo naman kay Jesus, hindi ako ganoon kalakas. ‘Wag po masyadong sunod-sunod…”

 

 

Hanggang ngayon, wala pang nagsasalita sa kanila ng asawang si Alwyn Uytingco sa kung ano ang nangyari at estado ng pagsasama nila. Pero kung pagbabasehan ang kanilang mga posting sa Instagram, kapansin-pansin na hindi na sila nagsasama at nag-unfollow na rin sila sa isa’t-isa.

 

 

Si Alwyn naman, sa kanyang huling post ay nag-caption nang, “And I was running far away, would I run off the world someday? Nobody knows.”

 

 

Ang kaibigan nito na si Mark Herras ay nag-reply rito at nagbigay ng encouragement sa pagsasabing,
“Dito lang kame kap.”  (ROSE GARCIA)

‘Household lockdowns,’ inirekomenda sa pamahalaan dahil sa pagsirit ng COVID cases

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nananawagan si Marikina Rep. Stella Quimbo sa pamahalaan na magpatupad ng “household lockdown” sa harap nang surge ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa bansa.

 

 

Sa isang statement, sinabi ng ekonomistang kongresista na kailangan na magkaroon ng mas marami pang “localized lockdown” para mapigilan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.

 

 

Ayon kay Quimbo, ang isang bahay na mayroong COVID positive patient ay kailangan na isailalim sa lockdown at lahat ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nakatira rito ay dapat na maibigay sa kanila sa tulong na rin ng mga local government units.

 

 

Mahalaga rin aniyang mabigyan sila ng sapat na cash, at hindi lamang ng in-kind assistance, bukod pa sa sick leave para sa mga nagtatrabahong miyembro ng household.

 

 

Kahapon, inanunsyo ng pamahalaan ang pagpapalawig ng isa pang linggo sa enhanced community quarantine (ECQ) status sa mga lugar na sakop ng NCR (National Capital Region) Plus dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa.

 

 

Iginiit ni Quimbo na mawawalang saysay ang pagpapalawig sa ECQ kung hindi naman babaguhin ng Department of Health ang approach nito sa pagresolba sa mga problemang hatid ng pandemya.

CLOE, pinuri ni Direk JOEL dahil parang hindi baguhan sa pag-arte

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BIDANG-BIDA na si Cloe Barreto sa launching film niya na Silab mula sa 3:16 Productions.

 

 

Kung may isang bagay na hindi malilimutan si Cloe sa shoot ng Silab, ito ay ang bonding nila ni Direk Joel Lamangan.

 

 

“Sobrang saya sa set naming. Habang nagtratrabaho kami, nagbo-bonding din kami,” wika ni Cloe na nag-enjoy working with Direk Joel na una niyang nakatrabaho sa Anak ng Macho Dancer.

 

 

Enjoy si Cloe sa career niya na unti-unti nang gumaganda. Siyempre malaking bagay sa kanya ang launching film na Silab.

 

 

Dahil nag-e-enjoy na sa acting, wish ni Cloe na maging career na pag-aartista.

 

 

“Hindi natin masasabi kung forever akong aarte pero for now ay gusto ko sana na tumagal ako sa pag-aartista,” sabi pa ng dalaga.

 

 

Kabilang sa screen idols niya sina Jaclyn Jose, John Lloyd Cruz, Jason Abalos at Piolo Pascual.

 

 

“Lagi akong nanonood ng mga movies nila. Iba-iba kasi ang atake nila sa role. Kay Jason, bagay sa kanya yung role na inaapi, yung parang kawawa,” pahayag ni Cloe.

 

 

Sexy and daring si Cloe sa Silab. Ipapanood ba niya ang movie sa parents niya?

 

 

“Siguro po, oo. Hindi ko po alam kung ipapapanood ko. Sabi nga nina Mama at Papa, sige i-support ka namin pero pag naiisip ko, parang sa part ng parents ko parang ang hirap naman na mapanood ang anak nila na nagpaseksi.”

 

 

Excited na si Cloe na mapanood ang Silab sa big screen.

 

 

“Gusto kong marinig ang feedback ng audience sa movie.”

 

 

Pinuri ni Direk Joel ang acting niya at sabi nito nang makausap namin, parang hindi raw baguhan si Cloe sa acting.

 

 

“Sobrang nagulat ako sa sinabi ni Direk Joel kasi takot ako sa kanya, Ayoko yung napapagalitan kaya pinagbutihan ko talaga ang pag-arte. Masaya ako dahil kahit paano nabigyan ko ng hustisya ang role ko, ang karakter na ginagampanan ko.”

 

 

Pero alam mo na may sexy scenes dahil nabasa mo na ng script? Hindi ka ba ninerbyos sa mga sexy scenes?

 

 

“Hindi po kasi may tiwala ako kay Direk Joel. Kahit alam ko na may ganung mga scenes, alam ko naman po naiisipin din niya na pagandahin ang mga eksena for the actors.”

 

 

Ibang-iba ang karakter na ginagampanan mo. Malayong-malayo sa personality mo. Sa tingin mo, paano mo ito nakayang gampanan?

 

 

Siguro po kasi gusto ko ang ginagawa ko kaya kahit po mahirap yung karakter na ginampanan ko, nagawa ko kasi gusto ko ang ginagawa ko at nag-eenjoy ako. Nahirapan po ako pero I did my best para sa ikagaganda ng movie. Hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ang project. Yes na agad,” pagwawakas ni Cloe.

 

 

Kapag naglunsad ng isang sexy star, dalawang bagay ang binabantayan – kaya ba niya itawid ang mga sexy scenes? At mahusay ba ang acting niya?

 

 

Happily for Cloe, she was able to pass both tests with flying colors.

 

 

***

 

 

CONGRATULATIONS kina Luis Manzano at Jessy Mendiola who got married in civil rites noong February 21 sa The Farm at San Benita, Lipa, Batangas, ayon sa report ng Pep.ph entertainment portal.

 

 

Very intimate ang wedding nina Luis at Jessy na 20 lamang ang guests kasama ang parents ni Luis na sina Edu Manzano at Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto at Sen. Ralph Recto.

 

 

Biglaan daw ang naging desisyon na idaos ang kasal last February dahil dapat sana ay sa June nakaiskedyul ang full wedding. Sa December na raw gagawin ang full wedding.

 

 

Ang mayor ng Lipa City na si Eric B. Africa ang nagkasal kina Luis and Jessy.

 

 

Inaasahan na mas magiging magarbo ang preparasyon for the church wedding sa December. (RICKY CALDERON)

Ads April 6, 2021

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

3 nalambat sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kulong ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activity ni Jestonie Buracan, 19, at Aldrin Jeff Sanfelipe, 22 at matapos ang isang linggong validation ay nakumpirma nila na totoo at maaasahan ang ulat.

 

 

Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO sa pangunguna ni PMAJ Vilmer Miralles ng buy bust operation sa Santa Rita St., Brgy. 188, Tala dakong 1:25 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu si PCpl Jorlan DS Declaro na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000. 00 ang halaga, at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 fake/boodle money.

 

 

Sa Valenzuela, sinunggaban nina PSSg Gabby Migano at PSSg Samson Mansibang si Antonio Fajardo Jr., alyas “Kulet”, 38, matapos bentahan ang isa sa kanila na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa Lord’s Candle St., Brgy. Paso De Blas dakong 9:15 ng gabi.

 

 

Ani SDEU PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa suspek ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P27,200 ang halaga, buy bust money, P300 cash, cellphone, pouch at Yamaha Mio motorcycle. (Richard Mesa)

Private firms, puwede nang umangkat at bumili ng sarili nitong Covid-19 vaccine

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAAARI nang umangkat at bumili ng Covid-19 vaccines ang mga  private firms kahit pa gaano ito karami.

 

Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na lagdaan na ang anuman at lahat ng dokumento  na naglalayong payagan ang  private sector “to import at will.”

 

” Maski anong gusto nilang amount na ipasok, OK sa akin,” pagtiyak ng Pangulo..

 

Ayon sa Punong Ehekutibo, maraming  private firms sa bansa ang nais na bumili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado.

 

“You know the reason why? So that the economy can be opened,” aniya pa rin.

 

Sinabi pa ng Pangulo na pinapayagan niya na  kaagad na makabili ang pribadong sektor ng bakuna.

 

“There are so many restrictions, and workers come from all places, so it’s doubly hard for government to—alam mo ito, teka muna…mag-prangkahan tayo. Itong dumating na 1.2 million, tamang-tama lang ito sa mga frontliners, sa mga health workers…,” ani Pangulong Duterte na ang tinutukoy ay ang  one million doses ng  Sinovac vaccine na dumating sa bansa kahapon, Marso 29.

 

Ito naman ang first batch ng bakuna na binayaran ng pamahalaan para kaagad na dumating sa Pilipinas ang mga bakuna.

 

Nauna rito, nakatanggap ang Pilipinas ng dalawang  batch ng  Sinovac doses na dinonate ng China at isang batch ng AstraZeneca doses na libreng ibinigay ng  global COVAX vaccine-sharing facility.

 

Sinabi ng Pangulo na pinapayagan na ng pamahalaan ang  pribadong sektor na makabili ng bakuna dahil limitado lamang kasi ang bakunang natanggap nito.

 

Sa ulat, hiniling ng private sector sa pamahalaan na payagan silang mag-angkat at bumili ng  COVID-19 vaccines nang direkta mula sa  accredited sources nang walang  restriction o kondisyon.

 

Sa kasalukuyan, sinabi ni Galvez na hindi pa pinapayagan ang private sector na bumili ng sarili nilang bakuna.

 

Ang paliwanag ni Galvez, ang  COVID-vaccine na ginagamit sa ngayon ay  para pa lamang sa Emergency Use Authorizations (EUA) mula sa pamahalaan at hindi para sa  commercial use authorizations.

 

Ang ibig sabihin ay hindi babalikatin ng manufacturer ang  indemnification costs para sa kahit na anumang  adverse effects na mararanasan ng vaccine recipients.

 

“The responsibility cannot be delegated to the private sector and LGU. The national government will be liable, considering the product is still under clinical trial. If there will be adverse effects, the vaccine maker will be immune from liability,” ang pahayag ni Galvez . (Daris Jose)

NAVOTAS PATULOY ANG PAMIMIGAY NG RELIEF PACKS

Posted on: April 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mamamayan ng relief packs makaraang ibalik at pahabain pa ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

 

 

Umabot na sa 15,501 mga pamilyang Navoteño ang nabigyan ng relief packs na naglalaman ng limang kilong bigas, walong pirasong assorted canned goods at dalawang washable facemasks.

 

 

“All of us felt the adverse impact of the strictest level of community quarantine last year and, as much as possible, we do not want a repeat.  However, with the country’s daily cases reaching more than 10 thousand, and with Metro Manila as the epicenter of virus transmission, we have no choice but to implement stringent safety measures again,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“Cityhall personnel tasked to pack and distribute the relief packs are making allefforts to reach and extend help to all our constituents at the soonest. We askfor understanding since the goods cannot be distributed all at the same time.However, rest assured that extra efforts are being done to distribute them asquickly as possible,” aniya.

 

 

Iginiit din ni Tiango ang kanyang apela sa publiko na patuloy na sundin ang minimum safety protocols at ang mga patnubay sa pagpapatupad ng community quarantine, hindi lamang protektahan ang sarili kundi ang kanilang mga mahal sa buhay at kapwa Navotenos.

 

 

Target ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng relief packs ang 80,000 mga pamilya sa lungsod. (Richard Mesa)