• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 nalambat sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela

Kulong ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activity ni Jestonie Buracan, 19, at Aldrin Jeff Sanfelipe, 22 at matapos ang isang linggong validation ay nakumpirma nila na totoo at maaasahan ang ulat.

 

 

Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO sa pangunguna ni PMAJ Vilmer Miralles ng buy bust operation sa Santa Rita St., Brgy. 188, Tala dakong 1:25 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu si PCpl Jorlan DS Declaro na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000. 00 ang halaga, at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 fake/boodle money.

 

 

Sa Valenzuela, sinunggaban nina PSSg Gabby Migano at PSSg Samson Mansibang si Antonio Fajardo Jr., alyas “Kulet”, 38, matapos bentahan ang isa sa kanila na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa Lord’s Candle St., Brgy. Paso De Blas dakong 9:15 ng gabi.

 

 

Ani SDEU PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa suspek ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P27,200 ang halaga, buy bust money, P300 cash, cellphone, pouch at Yamaha Mio motorcycle. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads November 8, 2023

  • LTFRB: Naglalagay ng “mystery passengers” sa mga PUVs

    NAGLALAGAY ng “mystery passengers” ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampublikong sasakyan upang matutukan mabuti ang pagpapatupad ng “no vax, no ride” polisia ng Department of Transportation (DOTr).       Sa isang memorandum na nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade, ang mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila […]

  • Cimatu urges youth to join efforts to prevent biodiversity loss

    THE Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu has called on the Filipino youth to take part in the concerted effort to protect the country’s rich biological resources against destruction and loss.   Cimatu said the young people, who constitute a large part of the country’s population, could play an active […]