• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

80.85% ng COVID-19 vaccines ang nai-rollout ng pamahalaan sa first quarter ng 2021 –Galvez

TINATAYANG umabot na sa 80.85% ng COVID-19 vaccines ang nai-rollout ng pamahalaan sa first quarter ng 2021 sa gitna ng pagtaas ng coronavirus infections sa bansa.

 

Base sa naging presentasyon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.’ sa Cabinet meeting, araw ng Lunes ay may 1,233,500 mula sa bilang na 1,525,600 kabuuang vaccine shots ang naipadala sa 2,497 immunization sites, na ang sakop ay 771 lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

 

Malinaw na bumaba aniya ng 98 percent ang vaccine deployment noong Marso 23 habang ang pamahalaan ay tumanggap ng marami pang bakuna na nakuha mula sa ilang kompanya.

 

Sinabi pa ni Galvez na may 668,016 health care workers na ang nakatanggap ng kanilang first shot ng bakuna na magbibigay proteksyon sa mga ito laban sa respiratory ailment, na nakapag-infect naman sa mahigit 700,000 filipino.

 

Hinggil naman sa vaccine deliveries ngayong second quarter, ang bansa ay makatatanggap ng 1.5 million shots mula sa Sinovac, 100,000 shots mula sa Gamaleya, 1 million mula sa COVAX facility ngayong Abril.

 

Sa darating na Mayo, makakakuha ang Pilipinas ng 2 million Sinovac shots, 2 million mula Gamaleya, 2.6 million mula AstraZeneca, 1 million mula COVAX, at 194,000 mula Moderna.

 

Inaasahan naman aniya ng bansa ang 4.5 million doses mula Sinovac, 4 million mula Gamaleya, 1 million mula Novavax, and 2 million from AstraZeneca by June this year.

 

Habang sa third quarter, nakikita naman ng Pilipinas na makatatanggap ito ng 13.5 million vaccine shots para sa buong buwan ng Hulyo.

 

May kabuuang , 3 million ay manggagaling mula Sinovac, 4 million mula Gamaleya, 1 million mula Moderna, 2 million mula Novavax, 1.5 million mula Johnson & Johnson, at 2 million mula AstraZeneca.

 

Samantala, 40 million doses ng bakuna ang inaasahan naman na darating sa buwan ng Agosto at Setyembre.

 

Nakikita rin ng pamahalaan na mahigit sa 140 million doses ng COVID-19 vaccines ang ide-deliver sa bansa sa fourth quarter ng 2021 partikular na makatatanggap ang bansa ng 20 million doses kada buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre.

 

Samanala, hangad naman ng pamahalaan na mabakunahan ang 500,000 hanggang isang milyong katao kada linggo simula buwan ng Abril hanggang Mayo at makapagbakuna ng 2 milyon hanggang 23 milyon kada linggo mula Hunyo hanggang Hulyo kung ang suplay ng bakuna ay maide-deliver “on time”.

 

“Very bold po ang ating target so that just in case magkaroon ng slippage at least medyo mataas ang vaccination rollout,” ang pahayag ni Galvez.

 

“Para ma-achieve ang herd immunity kailangan ng vaccinations ng more or less than 450 to 500 a day,” dagdag na pahayag nito.

 

Tinitingnan din aniya nila ang mga manufacturers ng booster vaccines o second-generation vaccines para mabawasan ang COVID-19 sa bansa na makatutulong din sa ekonomiya na makabawi at makabangon matapos na tamaan ng pandemiya.

 

“Pinaka parang target natin, we will have a better Christmas sa 2021. Pinaka-target natin complete elimination of covid-19 so with that we are coordinating different manufacturers nade-develop ng booster vaccines that can prevent and neutralize variants. So ang ano natin is to eliminate the COVID-19 disease,” ani Galvez. (Daris Jose)

Other News
  • Disney+ Celebrates ‘Black Widow’ Release With Solo MCU Movie Posters

    IN honor of Scarlett Johansson’s lengthy tenure with Marvel Studios and in celebration of the release of Black Widow—the first MCU movie in over two years—Disney+ (via Reddit user Samoht99) has changed the main posters for seven key films in the universe.     Every film in which Natasha Romanoff appears now displays a solo poster of […]

  • DTI naglabas ng revised SRP sa mga school supplies

    INILABAS  ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong listahan ng price guide para sa mga school supplies.     Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ni-revise niya ang “Suggested Retail Price” o SRP list para sa school supplies dahil hindi detalyado ang lumang listahan.     Ang listahan ay may mga tatak […]

  • PBBM, sa mga mamamayang Filipino: Time to heal, reflect on one’s mortality

    UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pag-alala sa mga Santo at namayapang mahal sa buhay ay makatutulong sa Filipino na makayanan ang  paghihirap at pagkabalisa.     Sa naging mensahe ng Pangulo ngayong All Saints’ Day at  All Souls’ Day, sinabi ni Pangulong Marcos na ang  Covid-19 pandemic ang dahilan ng mga […]