CLOE, pinuri ni Direk JOEL dahil parang hindi baguhan sa pag-arte
- Published on April 6, 2021
- by @peoplesbalita
BIDANG-BIDA na si Cloe Barreto sa launching film niya na Silab mula sa 3:16 Productions.
Kung may isang bagay na hindi malilimutan si Cloe sa shoot ng Silab, ito ay ang bonding nila ni Direk Joel Lamangan.
“Sobrang saya sa set naming. Habang nagtratrabaho kami, nagbo-bonding din kami,” wika ni Cloe na nag-enjoy working with Direk Joel na una niyang nakatrabaho sa Anak ng Macho Dancer.
Enjoy si Cloe sa career niya na unti-unti nang gumaganda. Siyempre malaking bagay sa kanya ang launching film na Silab.
Dahil nag-e-enjoy na sa acting, wish ni Cloe na maging career na pag-aartista.
“Hindi natin masasabi kung forever akong aarte pero for now ay gusto ko sana na tumagal ako sa pag-aartista,” sabi pa ng dalaga.
Kabilang sa screen idols niya sina Jaclyn Jose, John Lloyd Cruz, Jason Abalos at Piolo Pascual.
“Lagi akong nanonood ng mga movies nila. Iba-iba kasi ang atake nila sa role. Kay Jason, bagay sa kanya yung role na inaapi, yung parang kawawa,” pahayag ni Cloe.
Sexy and daring si Cloe sa Silab. Ipapanood ba niya ang movie sa parents niya?
“Siguro po, oo. Hindi ko po alam kung ipapapanood ko. Sabi nga nina Mama at Papa, sige i-support ka namin pero pag naiisip ko, parang sa part ng parents ko parang ang hirap naman na mapanood ang anak nila na nagpaseksi.”
Excited na si Cloe na mapanood ang Silab sa big screen.
“Gusto kong marinig ang feedback ng audience sa movie.”
Pinuri ni Direk Joel ang acting niya at sabi nito nang makausap namin, parang hindi raw baguhan si Cloe sa acting.
“Sobrang nagulat ako sa sinabi ni Direk Joel kasi takot ako sa kanya, Ayoko yung napapagalitan kaya pinagbutihan ko talaga ang pag-arte. Masaya ako dahil kahit paano nabigyan ko ng hustisya ang role ko, ang karakter na ginagampanan ko.”
Pero alam mo na may sexy scenes dahil nabasa mo na ng script? Hindi ka ba ninerbyos sa mga sexy scenes?
“Hindi po kasi may tiwala ako kay Direk Joel. Kahit alam ko na may ganung mga scenes, alam ko naman po naiisipin din niya na pagandahin ang mga eksena for the actors.”
Ibang-iba ang karakter na ginagampanan mo. Malayong-malayo sa personality mo. Sa tingin mo, paano mo ito nakayang gampanan?
“Siguro po kasi gusto ko ang ginagawa ko kaya kahit po mahirap yung karakter na ginampanan ko, nagawa ko kasi gusto ko ang ginagawa ko at nag-e–enjoy ako. Nahirapan po ako pero I did my best para sa ikagaganda ng movie. Hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ang project. Yes na agad,” pagwawakas ni Cloe.
Kapag naglunsad ng isang sexy star, dalawang bagay ang binabantayan – kaya ba niya itawid ang mga sexy scenes? At mahusay ba ang acting niya?
Happily for Cloe, she was able to pass both tests with flying colors.
***
CONGRATULATIONS kina Luis Manzano at Jessy Mendiola who got married in civil rites noong February 21 sa The Farm at San Benita, Lipa, Batangas, ayon sa report ng Pep.ph entertainment portal.
Very intimate ang wedding nina Luis at Jessy na 20 lamang ang guests kasama ang parents ni Luis na sina Edu Manzano at Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto at Sen. Ralph Recto.
Biglaan daw ang naging desisyon na idaos ang kasal last February dahil dapat sana ay sa June nakaiskedyul ang full wedding. Sa December na raw gagawin ang full wedding.
Ang mayor ng Lipa City na si Eric B. Africa ang nagkasal kina Luis and Jessy.
Inaasahan na mas magiging magarbo ang preparasyon for the church wedding sa December. (RICKY CALDERON)
-
NAVOTAS NAKUMPLETO NA ANG PAGBABAKUNA SA MGA FRONTLINERS
Nakumpleto ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ang pagbabakuna sa priority A1 frontliners. Nasa 1,297 residente at hindi residenteng frontliners na nakarehistro sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccination program ng lungsod ang nakatanggap ng kanilang shots. Sa bilang na ito, 178 ang nabigyan na ng pangalawang dosis. Ipagpapatuloy na din […]
-
Nagkaayos na kaya magkasama noong Pasko: SHARON at KC, masayang sinalubong ang pagpasok ng bagong taon
ISA kami sa natutuwa dahil magkasama nung kapaskuhan ang nagkatampuhang mag-ina na si Megastar Sharon Cuneta at KC Concepcion. Siyempre happy rin ang mga Sharonian dahil masaya ang pasok ng taong 2025 dahil nagkaayos na ang mag-ina. Sa post ni KC ay binanggit niya na best Christmas ever daw niya iyon. Nag-post rin si KC […]
-
Dating import ng Aces at Beermen Galen Young patay sa aksidente
Patay ang American basketball player na si Galen Young matapos masangkot sa aksidente sa Memphis. Base sa imbestigasyon ng Memphis Police Department, naganap ang insidente sa Horn Lake Road sa Memphis. Naging import ng Alaska at San Miguel Beermen si Young noong 2004 hanggang 2009. Labis na nalungkot si […]