• May 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases papalo ng 1-milyon- OCTA Research

Hindi malabong sumipa sa higit 1-milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas bago matapos ang Abril.

 

 

Ito ang sinabi ng independent group na OCTA Research sa kanilang pinakabagong report.

 

 

“Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” ayon sa report ng grupo.

 

 

Ayon sa OCTA, bagamat bumagal ang pagkalat ng coronavirus sa National Capital Region sa nakalipas na mga araw, tumaas pa rin ng 20% ang antas ng impeksyon dahil sa higit 5,000 bagong kaso ng rehiyon sa nagdaang linggo.

 

 

Mula March 29 hanggang April 4, o kahapon, nasa 1.61 daw ang reproduction rate ng NCR. Ibig sabihin, mayroong 161 na taong nahahawaaan sa kada 100 indibidwal na may COVID-19.

 

 

Nakita ng OCTA ang “rapid increase” o mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa mga lungsod ng Mandaluyong, Las Pinas, at San Juan.

 

 

May pagbagal naman daw sa pagkalat ng sakit sa mga siyudad ng Maynila, Paranaque, Marikina, at Navotas.

 

 

Habang may downward trend, o may pagbaba sa bilang ng mga nagkaka-COVID sa Pasay at Makati.

 

 

“The reproduction number is trending down towards 1.3 or less by April 11.”

 

 

“The goal is for these LGUs to have low or negative one-week growth rates in new COVID-19 cases very soon.”

 

 

Sinabi rin ng OCTA na tumaas ng 50% ang bilang ng mga bagong kaso ng sakit sa Batangas at Pampanga, na parehong nasa labas ng NCR Plus bubble.

Other News
  • Okey lang sa netizens kung si Ella gaganap na Irene: CRISTINE, napiling gumanap na IMEE pero mas bagay kay TONI o AIAI

    IN-ANNOUNCE na ni Direk Darryl Yap sa kanyang social media account na si Cristine Reyes ang napiling gumanap bilang Imee Marcos at si Ella Cruz naman ang gaganap na Irene Marcos sa upcoming Viva Films na “Maid in Malacañang”.     Nauna nang ipinaalam na si Ruffa Gutierrez ang gaganap bilang si Imelda Marcos habang […]

  • Ads June 20, 2022

  • 7 KATAO TIMBOG SA TUPADA

    PITONG mga sabungero ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsasagawa ng ilegal na tupada sa Malabon city, kamakalawa.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naaresto na si Ronel Pacite, 43, Rizaldy Mendez, 41, Rey Loyogoy, 31, George Aclaracion, 31, Ervin Gonzaga, 33, Lorenzo Ching, 42, at Pejel Cuenco, […]