Korean singer na si Chung Ha at dalawang staff, nagpositibo sa COVID-19
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
NAKASAILALIM sa self-quarantine ang South Korean singer na si Chung Ha.
Ito ay makaraan na dalawa sa kanyang staff ang magpositibo sa COVID-19 pagkatapos ng kanilang show sa Italy.
Sa pahayag ng MNH Enter-tainment, katatapos lamang mag-show sa Italy ni Chung Ha at pagbalik ng South Korea, dalawa sa kanyang staff ang nagpositibo sa sakit.
Ang singer ay negatibo naman sa sakit pero base sa utos ng Korea Centers for Disease Control and Prevention kailangan siyang sumailalim sa self-isolation.
Dahil dito, kanselado na ang lahat ng naka-schedule na show ng singer.
Kabilang sa nakansela ang show ni Chung Ha sa Clouds Festival sa Jakarta.
-
Pinupuri talaga ng mga netizens ang mahusay na pagganap: JUANCHO, honored na nanalong best supporting actor sa TAG Awards
MASAYANG nagbabakasyon si Kapuso actor Juancho Trivino with his wife Joyce Pring and their baby boy sa Tokyo, Japan last Christmas, nang matanggap niya ang magandang balita. Nanalo siyang Best Supporting Actor for his stellar work as Padre Salvi in the historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra,” sa TAG Awards […]
-
45 BI officers sa ‘Pastillas’ pinasisibak ng Ombudsman
PINASISIBAK ng Office of the Ombudsman (OMB) sa serbisyo ang 45 officials at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “Pastillas” extortion scheme. Batay sa 143-page decision ng Ombudsman noong March 21, napatunayang nagkasala o “administratively liable for grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service” ang […]
-
Delivery boy kinuyog, sinaksak ng 3 magkakapatid sa Malabon
ISANG 38-anyos na water delivery boy ang sugatan matapos pagtulungan kuyugin at saksakin ng tatlong magkakapatid na kapitbahay niya sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa mukha at hiwa sa likod na bahagi ng leeg ang biktimang si Joel Parola alyas “Negro”, ng […]