Malakanyang, walang nakikitang dahilan para baguhin ang liderato ng DoH
- Published on April 7, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para baguhin ang liderato ng isang departamento habang nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.
Pinasaringan kasi ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Health (DoH) gamit ang kanyang Twitter account.
“It is contrary to the basics of medicine to change leadership in the middle of the pandemic. I don’t think we’ll achieve anything by that,” ayon kay Sec. Roque.
“Basic principle na ‘pag may pandemya, ibigay muna ang kinakailangan at huwag munang pag-usapan ang liderato,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, bumwelta si Senador Ping Lacson sa kanyang twitter account patungkol sa situwasyon ng bansa dahil sa covid 19.
Ayon kay Lacson, kailangan ng Department of Health (DoH) ng leader na marunong mamuno.
“With less than 100, 000 tests so far conducted and quite a number of RT-PCR tests not yet run but just stored, we may outdo the Spanish flu of 1918 that lasted 36 months and up to 50 million deaths.” ani Lacson.
Samantala, sinabi naman ni Sec. Roque na ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan laban sa COVID-19 ay hindi nakadepende sa iisang tao lamang.
“We have a whole-of-government approach,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
PDu30, gustong palitan ni Roque si Gordon sa Senado
NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palitan ni dating presidential spokesperson at senatorial bet Harry Roque si reelectionist senator at Philippine Red Cross (PRC) chairperson Richard Gordon sa Senado. “I think you should really be in the Senate…Dapat ‘yan kagaya nila Gordon, palitan mo na ‘yan,” ang tinuran ni Pangulong Duterte kay […]
-
Delegasyon ni Speaker Romualdez nakasungkit ng pangako sa Japan na pararamihin mga empleyadong Pinoy
NAKASUNGKIT ng pangako ang congressional delegation ng Pilipinas na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez mula sa mga opisyal ng Japanese parliament na kukuha ang Japan ng dagdag na mga Pilipinong manggagawa sa mga kritikal na sektor gaya ng elderly care. Ang pangako ay nakuha sa isinagawang high-level discussions kasama si National […]
-
PDu30, pinasinayaan ang CCLEX sa “historic day”
PINASINAYAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang iconic Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa pamamagitan ng unique car ribbon-cutting ceremony sa gitna ng tulay. Sa halip na pagputol sa ribbon gamit ang tradisyonal na gunting, pinaandar ang Presidential vehicle sa ribbon sa gitna ng tulay, simbolo na ang tulay ay magiging expressway para sa […]