• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte nagbigay-pugay sa mga frontliners ngayong Araw ng Kagitingan

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bayan sa paggunita sa Araw ng Kagitingan.

 

 

Sa kanyang taped video message para sa ika-79 National Day of Valor, sinabi ni Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng araw na ito ay mabibigyan tayo ng isang matibay na paalala ng hindi matatawarang determinasyon ng mga Pilipino na mangibabaw sa lahat ng uri ng hamon at pagsubok.

 

 

Ayon kay Pangulong Duterte, ang katapangan ng ating mga ninuno na ipinakita sa panahon ng pagtatanggol sa Bataan halos walong dekada na ang nakalipas ay nag-iwan ng katangi-tanging marka sa kasaysayan at humubog ng ating diwa para bumangon sa bawat pagbagsak o pagkakadapa.

 

 

Inihayag ni Pangulong Duterte na habang nagpapatuloy ang bansa na malagpasan ang hamon ng COVID-19 pandemic, hayaang maglaan tayo ng konting sandali para parangalan ang lakas ng loob at dedikasyong ipinamamalas ng ating mga health workers at essential frontliners.

 

 

Ang hindi umanong matatawarang commitment nila sa labang ito ay nagpapakita ng kabayanihan ng ating mga ninuno na nakipaglaban at ipinagtanggol ang Bataan noong mga unang panahon na patuloy na nagbibigay ngayon ng inspirasyon at pagiging makabayan sa panahong gipit ang sitwasyon.

Other News
  • PAGCOR, PCSO tinintahan ang guidelines para sa pagpopondo sa Universal Health Care

    SINABI ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na lumagda ito sa isang joint circular kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ukol sa pagpapatakbo ng kani-kanilang alokasyon para pondohan ang Universal Health Care (UHC).     Ang circular, kung saan nakadetalye ang operational guidelines para sa PAGCOR at PCSO para mag-remit ng pondo sa […]

  • Jaja Santiago kailangan ng Pilipinas — PNVF

    Kailangan ng Pilipinas si Jaja Santiago.     Ito ang inihayag ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa usap-usapang inimbitahan si Santiago na maging local player sa Japan.     Mismong si Santiago ang nagsiwalat na interesado ang Japan dahil sa magandang inilalaro nito sa Japan V.League kasama ang Ageo Medics.     Subalit nilinaw […]

  • Pilipinas, tinintahan na ang supply agreement para sa 30 million doses ng COVID-19 vaccine

    TININTAHAN na ng Pilipinas ang supply agreement para sa 30 million doses ng COVID-19 vaccine na dinivelop ng American firm Novavax.   Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na naging maganda ang resulta ng pagbiyahe sa India noong isang linggo.   Doon aniya ay napirmahan na ang supply agreement kung saan ang Serum […]