• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAYUHAN NA HINDI MAKAPASOK NG BANSA MAAARING HUMINGI NG EXEMPTION SA NTF

KLINARO ng Bureau of Immigration (BI) na ang isang dayuhan na hindi makapasok sa bansa dahil sa umiiral na travel restrictions ay maaring humingi ng exemption  mula sa National Covid Task Force Against Covid-19 (NTF) kung  emergency o humanitarian reasons.

 

 

 

Sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, klinaro nito na ang entry exemption na inisyu ng ibang ahensiya bago ipatupad ang travel ban ay hindi maaring gamitin upang makapasok ng bansa sa ipinapatupad na heightened travel ban na nagsimula noong March 22  hanggang April 21.

 

 

 

“The IATF resolution clearly states that only the NTF chair or his authorized representative may approve requests to allow the entry of foreigners on emergency, humanitarian and analogous cases,” ayon sa BI Chief.

 

 

 

Binigyan diin pa ni Morente na ang isang dayuhan ay pinapayagan na pumanta dito ng NTF kung mayroon itong balidong visa sa sakong araw ng kanyang pagbiyehe.

 

 

 

Klinaro it ng  ng BI Chief kasunod sa ulat na maraming dayuhan na walang NTF-issued entry exemptions ay hindi pinayagang [pumasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pero sinuguro nito na ang travel restriction ay pansamantala lamang kasunod ng bagong pagtaas ng kaso ng Covid 19.

 

 

 

“We hope that after this spike, the number of cases continue to downtrend, so we may be able to revive the international travel and tourism sector,” ayon kay Morente. (GENE ADSUARA)

Other News
  • OFW SA ISRAEL, HINDI MUNA MAGPAPADALA

    HINDI  na muna magpapadala ng mga Pinoy overseas Filipino workers  sa Israel.     Sa kumpirmasyon ngayon ni Labor Secretary Silvestre  Bello III , sinabi nito na ang suspensyon ng pagpapadala ng manggagawang Pinoy ay dahil na rin sa nangyayari sa pagitan ng Israel at grupo ng  hamas at iba pang armadong militante sa Palestine. […]

  • Ex-Negros Oriental Rep. Teves Jr , naaresto na

    NAARESTO  na si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.     Ayon sa Department of Justice (DOJ) inaresto siya ng mga otoridad ng Timor-Leste.     Nahaharap si Teves ng kasong murder, frustrated murder at attempted murder dahil sa sya ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso […]

  • Gilas Pilipinas practice para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers

    DINALUHAN ng ilang mga manlalaro ng PBA ang unang araw ng ensayo ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa 4th window ng FIBA World Cup 2023 Asian Qualifier.     Isinagawa ang ensayo sa Meralco Gym sa Ortigas Avenue sa Lungsod ng Pasig kung saan dumalo si Gilas coach Chot Reyes kasama sina Barangay Ginebra San […]