• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OFW SA ISRAEL, HINDI MUNA MAGPAPADALA

HINDI  na muna magpapadala ng mga Pinoy overseas Filipino workers  sa Israel.

 

 

Sa kumpirmasyon ngayon ni Labor Secretary Silvestre  Bello III , sinabi nito na ang suspensyon ng pagpapadala ng manggagawang Pinoy ay dahil na rin sa nangyayari sa pagitan ng Israel at grupo ng  hamas at iba pang armadong militante sa Palestine.

 

 

Sinabi ng kalihim  na bagama’t may mga manggagawang Pinoy  na naproseso na ang dokumento at nakatakda sanang umalis, hindi na sila matutuloy dulot ng panganib.

 

 

May pakikipag-ugnayan aniya sila sa Department of Foreign Affairs (DFA)  para masigurong ligtas na sa mga OFW na magpunta ng Israel bago alisin ang suspensyon sa deployment  (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pagdeklarang Nat’l Shrine sa Quiapo Church ikinatuwa ng Manila LGU

    IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na ang pagdeklara sa Quiapo Church bilang National Shrine of Jesus Nazareno ay magiging malaking tulong sa matinding debosyon ng mga Katolikong Pilipino partikular na sa mga Manilenyo. Ayon kay Lacuna-Pangan, ang Quiapo Church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ay matagal nang iginagalang bilang dambana […]

  • Petro Gazz VS Cignal: Game One Spotlight

    Naghanda ang dalawang team para sa Premier Volleyball League finals sa huling pitong kumperensya. Ngunit nauwi sa paghaharap ang Petro Gazz at Cignal para sa inaasam-asam na korona sa Reinforced .     Ngunit ang Angels at ang HD Spikers ay umaasa na magbibigay ng isang nobela para sa mga tagahanga ng volley upang masiyahan […]

  • Bawal ang pahinga kay EJ

    MULING  makakaharap ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena sina world record-holder Mondo Duplantis ng Sweden at American Chris Nilsen sa Kamila Skolimowska Memorial sa Chorzow, Poland sa Agosto 6.     Kagagaling lamang ng 6-foot-2 na si Obiena sa makasaysayang bronze medal finish sa World Athletics Championship sa Eugene, Oregon.     Lumundag si […]