• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpahintulot ng DFA na gamitin ang Sinovax vaccine sa Senior citizen, suportado ng PGH chaplain

Sang-ayon si Jesuit Priest Rev. Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng Philippine General Hospital sa desisyon ng Food and Drug Administration na pahintulutan na ang mga Senior Citizens na makatanggap ng Sinovac vaccine laban sa coronavirus disease.

 

 

Ito’y bunsod ng kakulangan ng supply ng AstraZeneca vaccine na mas epektibo ng 85 porsyento, kumpara sa Sinovac vaccine na epektibo lamang ng 50-poryento sa mga may edad 65 pataas.

 

 

Ayon kay Fr. Ocon, malaking bagay at mas makabubuti ito para sa mga nakatatanda kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa na nagdudulot ng labis na pangamba sa mga tao.

 

 

“As long as aprubado naman ng mga health experts, kahit sabihin mong hindi siya kasing effective ng ibang brand, para sa akin maigi na rin yung mayroon ka talaga ding depensa kaysa wala,” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Paliwanag ng Department of Health na bago bakunahan ang mga senior citizens ay isasailalim muna ang mga ito sa pagsusuri upang matiyak na maaari silang makatanggap ng COVID-19 vaccine.

 

 

Samantala, hinihimok naman ng pari ang publiko na alisin na rin ang pangamba hinggil sa Sinovac vaccine bagamat ito’y likha mula sa China.

 

 

Sa halip, ayon kay Fr. Ocon ay magtiwala lamang sa magiging positibong epekto nito sa katawan ng tao na makatutulong sa pag-iwas at patuloy na paglaganap ng virus.

 

 

“Alam naman natin kung saan nanggaling ‘yung takot at pagdududa ng mga tao dahil ‘yung bakuna ay galing sa China. Pero sa panahon ngayon, siguro kailangan na rin nating magtiwala sa mga taong gumawa ng pagsusuri at pananaliksik tungkol sa bakuna,” ayon kay Fr. Ocon.

 

 

Ipinayo ng pari na patuloy lamang sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield maging ang paggamit ng alcohol upang makaiwas na mahawaan ng virus.

 

 

Gayundin ang pananalangin sa Panginoon na nawa’y ipag-adya ang lahat sa panganib at tuluyan nang malunasan ang pandemyang lubos nang nagpapahirap sa marami.

Other News
  • Kiefer nag-sorry sa NLEX, PBA

    Masaya si NLEX Road Warriors ace Kiefer Ra­vena na mabibigyan ito ng tsansang makapaglaro sa Japan B.League kasama ang Shiga Lakestars.     Subalit bago tumulak sa Japan, humingi ng tawad si Ravena sa pamunuan ng NLEX at ng liga sa a­ber­yang naidulot ng biglaang announcement ng pagla­laro nito sa Shiga.     “I apologize […]

  • Price Act, dapat nang amyendahan

    NAIS  ng isang mambabatas na amyendahan ang 31-taon ng batas na Price Act upang maitaas ang parusa at multa laban sa mga hoarders at mapagsamantalang mangangalakal ng bigas at mais.     Sa House bill 7970, nais ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na maitaas sa 40 taong pagkabilanggo ang parusa sa naturang […]

  • BRAD PITT, A SILENT MOVIE STAR AT THE TOP OF HIS GAME IN “BABYLON”

    ACADEMY Award-winner Brad Pitt stars as Jack Conrad, a silver screen icon navigating the tumultuous transformation of cinema in Paramount Pictures’ critically acclaimed epic, Babylon.      A tale of outsized ambition and outrageous excess, the film traces the rise and fall of multiple characters during an era of unbridled decadence and depravity in early Hollywood.   […]