IBP sa IATF: Mga abogado isama rin sa priority groups sa vaccine
- Published on April 12, 2021
- by @peoplesbalita
Humihirit din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na isama na rin na mauuna sa pagbabakuna ang mga abogado sa sa bansa.
Sa sulat ni Atty Domingo Cayosa kay vaccine czar Carlito Galvez, ipinaliwanag nito kung bakit matatawag din na legal frontliners ang mga abogado.
Aniya, ang mga officers of the court ay tumutulong hindi lamang sa pagpapalaganap sa mga batas na may kinalaman sa pandemaya kundi essential din sila sa pag-usad ng hustisya sa bansa.
Kung tutuusin aniya, maituturing din na mga “spreaders” ang physcial contact ng mga abogado at kliyente nito, tulad din sa mga korte.
marami na rin daw mga practising lawyers, prosecutors at judges ang pumanaw na dahil din sa deadly virus.
Kasabay nito nakiusap si Atty Cayosa sa IATF na sana ilagay na rin sa priority population group na A4 ang mga abogado para sa vaccination program.
-
Hamon sa ABS-CBN: 11,000 empleyado, gawing regular
Hinamon ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang pamunuan ng ABS-CBN na gawing regular lahat ng nasa 11, 000 empleyado ng nasabing kumpanya para patunayan na pinapangalagaan nito ang kapakanan ng kanilang mga trabahador. Ito ang naging pahayag ni Yap kasunod ng mga isyu na kinahaharap ng ABS-CBN ukol sa kanilang franchise at […]
-
Marcos, inilatag ang mga prayoridad para sa 2023 national budget
INATASAN ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si incoming Department of Budget and Management (DBM) secretary Amenah Pangandaman na tiyakin na ang kanyang priority sectors ay makakakuha ng suporta mula sa 2023 national expenditure program. Sinabi ni Pangandaman, sa isang kalatas na bilang karagdagan sa economic reconstruction target ni Marcos Jr., nais ng […]
-
5M plastic cards, inaasahang maipapasakamay sa DOTR bago matapos ang 2023
INAASAHANG maipapasakamay sa Land Transportation Office ang hanggang limang milyong plastic cards para sa driver’s license ng mga motorista, bago matapos ang kasalukuyang taon. Ayon kay Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II, inaasahan ang delivery ng mga nasabing plastic cards, sa pamamagitan ng 500,000 cards o higit pa, bawat buwan. […]