• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hamon sa ABS-CBN: 11,000 empleyado, gawing regular

Hinamon ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang pamunuan ng ABS-CBN na gawing regular lahat ng nasa 11, 000 empleyado ng nasabing kumpanya para patunayan na pinapangalagaan nito ang kapakanan ng kanilang mga trabahador.

 

Ito ang naging pahayag ni Yap kasunod ng mga isyu na kinahaharap ng ABS-CBN ukol sa kanilang franchise at sa quo warranto petition na isinampa laban sa kanila ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.

 

Nabatid na karamihan umano sa 11, 000 trabahador sa ABS-CBN ay mga talent o contractual ang status sa naturang kumpanya.

 

Hinamon din niya ang pamunuan ng ABS-CBN na bayaran ang mga backpay at iba pang benepisyo ng may 120 empleyado na umano’y iligal na tinanggal noong 2010 at hanggang ngayon ay patuloy na pinaglalaban ang kanilang karapatan sa korte.

 

Dagdag pa ng mambabatas, siguraduhin din na maayos at nababayaran lahat ng tama ang kanilang mga empleyado kasama ang lahat ng benepisyo na naaayon sa batas.

 

Kung gagawin umano ito ng ABS-CBN, siguradong magsusunuran ang ibang malalaking kumpanya.

Other News
  • Makakasama nila ni Dennis sina Andrea at Sid: BEA, excited sa serye na pagbabalik niya sa drama

    NAGKAROON na ng story conference ang upcoming Kapuso series “Love Before Sunrise” na magpapabalik sa tambalan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo, after twenty years na unang nagkasama sila sa ABS-CBN.      Sa story conference, natanong si Dennis kung ano ang masasabi niya sa new series na gagawin, after “Maria Clara at Ibarra?     […]

  • P46 bilyong 2nd round ng SAP naipamahagi

    Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may P46.5 bilyong pondo na ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) fund ng pamahalaan sa panahon ng COVID-19 pandemic.   Ayon sa DSWD, may kabuuang 6,951,049 pamilya ang tumanggap ng cash aid kasama na dito ang may 1.3 milyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program […]

  • Hanggang March 2023 ang schedule at kasama ang ‘Pinas: ‘Justice Tour’ ni JUSTIN BIEBER, muling natigil dahil sa health issues

    SUCCESSFUL ang theater debut ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden sa musical stage production ng “Miss Saigon” sa Guam.   Ginampanan ni Garrett ang role na John Thomas na best friend ni Chris.   Sa kanyang latest Instagram post, lubos na nagpasalamat si Garrett sa kanyang Miss Saigon experience, “What a great journey. […]