• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lobrequito, 3 pa tagilid sa Summer Olympic Games

SABLAY makipagbuno si freestyler Alvin Lobrequito sa Asian Wrestling Championships sa darating na Abril 12-17 sa Almaty, Kazakhstan bunsod ng kawalang Detailed Service (DS) permit sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

 

Namemeligro na rin ang pagdayo niya sa Sofia, Bulgaria kasama sina freestyler Jiah Pingot at Greco-Roman practitioners Jason Baucas at Noel Morada sa World Olympic Qualification sa Mayo 6-9 kasunod sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Covd-19.

 

 

Kumpiyansa pa rin naman hanggang Martes si Wrestling Association of the Philippines (WAP) secretary general Marcus Valda, na makakapag-training sa lalong madaling panahon ang apat na mambubuno  upang mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong din ng pandemya sa Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan.

 

 

Buhat sa Berlin 1936 Olympics, may 15 Pinoy wrestler na ang mga nakasabak sa quadrennial sportsfest. Pinahauli nga lang ay noon pang 1988 Seoul Games sa katauhan nina Dean Carlos Manibog at Florentino Tirante. (REC)

Other News
  • 52% ng Pinoy ‘disapprove’ sa pagtugon ni Marcos Jr. sa inflation — Pulse Asia

    LAGPAS  kalahati ng Filipino adults ang kritikal sa pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagdating sa pagkontrol ng pagtaas ng presyo ng bilihin, ayon sa bagong survey ng Pulse Asia na inilabas nitong Martes.     Ito’y kahit na nakakuha ng 78% na performance rating si Bongbong sa parehong pag-aaral, bagay na mayorya […]

  • NAVOTAS MAGTATALAGA NG MGA QUARANTINE ENFORCEMENT PERSONNEL

    MAGTATALAGA ng mga quarantine enforcement personnel ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga piling lugar at entrada sa mga kritikal na lugar na tinukoy ng Philippine National Police–Navotas.   Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ito ang ilan sa mga “best practices” ng Navotas sa laban sa COVID-19.   Aniya, kasama rin dito ang mas mahabang […]

  • PBBM, itutulak ang mas maraming buwis, military pension reform

    UMAPELA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang  mga  priority legislations kabilang na ang  tax measures at ang reporma sa military pension. Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon, nanawagan ang Pangulo sa mga mambabatas na isulong ang  tax measures sa ilalim ng  Medium-Term […]