• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SAAN NAPUNTA ANG PONDO NG DOH, INISA-ISA

SINIGURO  ng Department of Health (DOH) na ang bawat sentimo ng mga pinag-uusapang pondo pati na  rin ang lahat ng iba pang mga public funds na inilaaan sa kagawaran ay “accounted” lahat at magagamit para sa publiko .

 

Tugon ito ng DOH sa panawagan na magbigay ang Kagawaran ng “breakdown”  kung paano ginasta ang P9 bilyong pondo  para sa konstruksyon ng health infrastructure sa ilalim ng Bayanihan I at II.

 

Binigyan diin ng DOH na ang nasabing pondo  ay ginamit para sa konstruksyon ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, dormitories at ang pagpapalawak ng kapasidad ng hospital ng gobyerno sa pamamagitan ng pagkuha o pagbili ng iba’t ibang medical equipment.

 

Sa P4.4 bilyon na inilaan sa ilalim ng Bayanihan I, P 4.36 bilyon ang nagamit hanggang December 31, 2020 para makakuha ng medical equipment tulad ng mechanical ventilators, biological safety cabinets, laminar flow hoods, at  biomedical microcentrifuges at iba pang medical equipment essential para sa pagtitiyak na na maalagaan ng mga ospital ang mga COVID-19 patients.

 

Samantala, ang inilaan naman na P4.5 bilyong sa ilalim ng Bayanihan II, ginamit naman ang P3.88 bilyon  nagamit hanggang  December 31, 2020 para konstruskyon ng temporary medical isolation at  quarantine facilities, field hospitals, dormitories para sa frontliners at  expansion ng  government capacity sa buong bansa

 

Ang natitira namang P617 milyon at P 308 milyon ay nagamit  para sa pagkuha ng mga mahahalagang kagamitan na nauugnay sa COVID-19 tulad ng mga mechanical ventilators, portable x-ray machines, hemodialysis machines, high flow nasal cannula oxygen machines, at iba pang kagamitan na kinakailangan para sa pagtaas ng mga testing capacities ng mga laboratory.

 

Sinabi rin ng DOH na magbibigay ito ng buong ulat sa paggasta sa mga tanggapan ng senador nA humihiling para sa nasabing datos.

 

Binigyan diin ng DOH na ito ay palaging nakatuon na mapanatili ang lubos na integridad at transparency bilang pagtupad ng mandato nito na magtatag at mapanatli ang isang ang madaling maabot na health system na nagbibigay ng kalidad ng mga serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino.

 

Binigyang diin pa ng DOH na ngayon ay hindi ang oras upang maghiwa-hiwalay sa pagtugon ng pandemyang ito at nanawagan para sa pagkakaisa mula sa iba pang gobyerno at publiko habang ang bansa ay nahaharap sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pag-abswelto kay Revilla sa graft hindi namin iaapela

    Wala nang balak iapela ng Office of the Ombudsman ang pag-dismiss ng Sandiganbayan sa patung-patong na kaso ng graft laban kay Sen. Bong Revilla kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.     “The SB First Division voted 3-2 to grant Senator Revilla’s Demurrer to Evidence, AND WE RESPECT ITS DECISION,” ayon sa tanggapan ng Ombudsman, […]

  • Quarantine classification ng NCR Plus, pagpupulungan bukas ng IATF

    NAKATAKDANG magpulong ngayong araw ng Biyernes, Marso 10 ang Inter-Agency Task Force para pag-usapan kung palalawigin pa ba ang Enhanced Community Quarantine o hindi na.   Magtatapos na kasi sa Abril 11 ang one week extension ng ECQ.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, isa ang quarantine classification sa nabuong dapat na mapag- usapan […]

  • 3 arestado sa P68K shabu sa Valenzuela

    TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Marvin Cruz, 42, Jefferson Ore, 27, kapwa ng Brgy. Gen. […]