IATF, niratipikahan ang panukala na i-endorso ng DoT na magtayo ng temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers
- Published on April 13, 2021
- by @peoplesbalita
NIRATIPIKAHAN kahapon sa Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang panukala na i-endorso ng Department of Tourism na magtayo ng temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers na nasa bakanteng lote ng Nayong Pilipino property sa Parañaque City.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ang napagkayarian sa IATF meeting kahapon.
Kung okay sa IATF ang temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers ay bawal naman ang “walk-ins.” sa Pasig City.
“NO WALK-INS. Delikado kung dadagsain natin ang venue. Kokontakin po tayo ng isang profiler para sa schedule,” ani Mayor Vico Sotto sa kaniyang Facebook Page.
Dagdag pa ni Sotto, patuloy ang pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga kabilang sa priority groups.
“Let’s be patient. Gagawin ng Vaccination Task Force ang lahat ng makakaya nito, pero tandaan nating hindi pa ganoon karami ang supplies ng bakuna sa bansa natin..”
Samantala, magpapatuloy naman ngayong araw ang pagbabakuna sa mahigit 1,000 senior citizens na naka schedule para mabakunahan.
Kaugnay nito, paalala ng Pasig PIO, makatatanggap ng text message mula sa lokal na pamahalaan ang mga makakabilang sa vaccine rollout.
“Walk-in is prohibited. Only those who received SMS advisory containing schedule and venue will be vaccinated.”
Kailangan din magdala ng mga sumusunod sa pagpunta sa vaccination site: PasigPass QR code, valid ID, at ballpen.
“For those who have updated Pasig Health Monitor via profiler (phone call or onsite updating) or online, please wait for the text message with the schedule and venue of vaccination. Reminder the vaccination schedule depends on the vaccine supply from DOH.” (Daris Jose)
-
Alfred Vargas’ ‘Tagpuan’, Best Feature Film at the 6th Chauri Chaura Int’l Film Festival
TAGPUAN was declared as the Best Feature Film at the 6th Chauri Chaura International Film Festival in India last February 3, 2021. As one of the official entries at the 46th Metro Manila Film Festival last December, the film got 11 nominations and 2 awards, 3rd Best Picture and Best Supporting Actress for […]
-
Cornejo, Lee guilty sa ‘illegal detention for ransom’ vs Vhong Navarro — korte
HINATULANG “guilty beyond reasonable doubt” sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawang iba pa kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng TV host-actor na si Vhong Navarro. Reclusión perpetua ang ibinabang hatol ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sa nangyaring promulgation ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa […]
-
30% passenger capacity sa mga PUVs pinag-aaralang itaas sa 40% sa susunod na 2 linggo – DOTr
PAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na madagdagan pa ang passenger capacity sa mga public utility vehicles (PUVs) sa mga susunod na dalawang linggo. Sinabi ito ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran matapos na iakyat sa 30 percent ang passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan simula ngayong araw. Ayon kay […]