NBA DRAFT MAGIGING VIRTUAL NA
- Published on October 26, 2020
- by @peoplesbalita
MAGIGING virtual fashion na ang gagawing NBA draft para sa 2020-2021 season.
Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, gagawin ito sa ESPN studio sa Bristol, Connecticut sa darating na Nobyembre 18.
Makakasama ni Silver si NBA deputy commissioner Mark Tatum para ianunsiyo ang mga selections sa una at pangalawang rounds.
Ang mga napiling mga draft ay lalabas lamang sa pamamagitan ng digital technology.
Magugunitang nakuha ng Minnesota Timberwolves ang top pick sa NBA Draft na sinundan ng Golden State Warriors, Charlotte Hornets, Chicago Bulls, Cleveland Cavaliers, Atlanta Hawks at Detroit Pistons.
Ilan sa mga top picks ay si LaMelo Ball, 18-anyos na guard mula sa Southern California at kapatid ni New Orleans Pelicans guard Lonzo Ball.
Makakasama rin nito sina Anthony Edwards mula sa University of Georgia at University of Memphis center James Wiseman.
-
Marami siyang resibo kung pagtulong ang pag-uusapan: VILMA, naging biktima rin ng paninira sa kasagsagan ng bagyong Kristine
BIKTIMA rin ng paninira ang Star for all Seasons at magbabalik gobernador ng Batangas na Vilma Santos-Recto. Ginawan ng isyu na Hindi man lang nagparamdam si Gov. Vi sa kanyang mga constituents nung kasagsagan ng bagyong Kristine. İsa kasi ang Batangas sa malaking naapektuhan sa katatapos na Bagyo. Sa totoo lang, bago […]
-
Super League MVP: Alyssa Solomon ng National University
Tinanghal si Alyssa Solomon bilang unang Shakey’s Super League MVP na tumapos sa perpektong title run ng National University noong Sabado sa Rizal Memorial Stadium. Itinaas ni Solomon ang MVP trophy sa harap ng maraming tao matapos pangunahan ang Lady Bulldogs sweep ng De La Salle Lady Spikers, 25-23, 25-20, 25-20, sa winner-take-all final. […]
-
Abalos binati si Mayor Tiangco
BINATI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Atty. Benhur Abalos si Navotas City Mayor John Rey Tiangco, matapos tanggapin ang parangal na Seal of Good Local Governance, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at City Administrator Christia Padolina sa ginanap National Awarding Ceremony sa Manila Hotel. (Richard Mesa)