• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parak tigbak sa cargo truck

Nasawi ang isang bagitong pulis matapos aksidenteng salpukin ng isang cargo truck ang likuran bahagi ng kanyang motorsiklo sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

 

 

Binawian ng buhay habang ginagamot sa North Caloocan Doctors Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Pat. Kevin Pinlac, 27, nakatalaga sa Northern Police District (NPD) District Mobile Force Battalion (DMFB) at residente ng 1522 C Zone 32, Sulu St. Brgy. 323 Sta Cruz, Manila.

 

 

 

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property ang driver ng Izusu Cargo Truck na may plakang (WLD276) na si Ricky Baracena, 44 ng Poblacion, Norzagaray, Bulacan.

 

 

 

Lumabas sa isinagawang imbestigasyon ni Caloocan police traffic investigator P/Cpl. Allan Saluta, Jr., dakong 8:45 ng gabi, kapwa tinatahak ng naturang mga sasakyan ang kahabaan ng Quirino Highway patungo sa Fairview, Quezon city kung saan nauna ang motorsiklo sa cargo truck.

 

 

 

Pagsapit sa Ascoville, Malaria Brgy. 185, Caloocan City ay bigla na lamang umanong huminto ang biktima na naging dahilan upang mawalan ng control ang driver ng cargo truck at bumangga sa likurang bahagi ng motorsiklo.

 

 

 

Sa lakas ng impact, nagtamo ng pinsala sa ulo ang biktima na mabilis isinugod sa naturang pagamutan ng rumespondeng Sinukuan Rescue habang sumuko naman sa pulisys si Baracena. (Richard Mesa)

Other News
  • Dahil two years na ang panganay na si Tili: SOLENN, ready na sa baby number two nila ni NICO

    HANDA na raw for baby number two si Solenn Heussaff.   Dahil 2 years-old na raw ang panganay nila ng mister niyang si Nico Bolzico na si Thylane Katana or Tili, puwede na raw nilang paghandaan ang magiging kapatid nito ngayong 2022.   “Yes! Ready na kami for baby number 2. The clock is ticking […]

  • Pamahalaan, pinayagan na ang 10% dine-in capacity; barber shop, parlors ng 30% sa MECQ

    PINAPAYAGAN na ng pamahalaan ang ang dine-in operations sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).   Pinapayagan na rin na mag-operate ang mga barbershops, beauty parlors, at iba pa sa 30% capacity sa MECQ   Sa isang kalatas na ipinalabas ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force […]

  • Magiging abala na rin sa kasal nila ni Rambo: Management ni MAJA, naglabas na ng official statement sa pag-alis sa ‘Eat Bulaga’

    NAGLABAS na ng official statement ang Crown Artist Management Inc. sa pag-alis ni Maja Salvador sa longest running noontime show na ‘Eat Bulaga’.   Sa Facebook post…   “Crown Artist Management would like to announce that with Maja Salvador’s upcoming wedding, and with all the uncertainties surrounding Eat Bulaga, she will be leaving the noontime […]