3 KOREAN NATIONAL NA SINDIKATO NG ONLINE, NAARESTO NG BI
- Published on April 15, 2021
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na puganteng most wanted at binansagang mga leader ng sindikato na nag-ooperate sa online at nambiktima ng marami nilang kababayan.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na sina Jung Myunghun, 38, umano’y Top Leader ng sindikato; Yu Daewoong, 38, at Kang Wesung, 36, na kabilang din sa mga Leader ng sindikato na naaresto sa isinagawang operasyon ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa pakikipagtulungan ng Criminal Investigation and Detection Group Major Crimes Investigation Unit (CIDG-MCIU) sa Paranaque at Pantabangan, Nueva Ecija.
Itinuring ni Morente ang tatlo na hiogh profile na mga pugante na matagal ng pinghahanap ng mga awtoridad sa Korea at ng Interpol.
Sinabi ni BI FSU Chief Bobby Raquepo na humingi ng tulong ang mga awtoridad ng Korea sa BI para mahanap at maaresto ang tatlo.
Base sa record, simula July 2014, pinasok ng mga suspek ang online scam sa pamagitan ng paga-upload at pag-advertise ng mga second hand na mga produkto at humikayat ng kanilang mga nagging biktima, gayunman, wala naman ang nasabing mga produkto na umabot sa 10 billion won, o US$9 million ang nakuha nila sa kanilang mga biktima.
“They will be deported to face the cases against them in Korea, and their names shall likewise remain in our blacklist, which effectively bans their re-entry in the country,” ayon sa BI Chief. (GENE ADSUARA)
-
Pangako ni PBBM, itutuloy ang military modernization
ITUTULOY ng administrasyong Marcos ang pag-upgrade sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng internal at external threats. “Rest assured to all the AFP and all the uniformed services that this administration remains committed to the modernization,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa 87th Anniversary ng AFP sa […]
-
Mahigit 100 kanseladong POGO, nananatiling nag-o-operate -PAOCC
SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nananatiling nago-operate ang mahigit sa 100 kanseladong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Sa Bagong Pilipinas Ngayon forum, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio na sinusubaybayan ng ahensiya ang 402 kanseladong POGO hubs. “Sa listahan na binigay ni [Philippine Amusement and […]
-
Nag-file na ng kaso laban sa sindikato… PAUL at MIKEE, na-scam sa cryptocurrency, milyones ang nawala
SOBRANG pasabog si Kim Chiu sa ‘Linlang!’ Grabe, ibang-ibang Kim ang mapapanood sa kanya. ‘Yung bungisngis na personalidad ni Kim, pwedeng sabihin na mapanlinlang pala. Sa ‘Linlang’, first time ni Kim na tumodo sa mga daring at intimate scene niya with Paulo at JM. Ayon kay Kim, nagtiwala na lang daw […]