Mahigit 100 kanseladong POGO, nananatiling nag-o-operate -PAOCC
- Published on June 8, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nananatiling nago-operate ang mahigit sa 100 kanseladong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon forum, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio na sinusubaybayan ng ahensiya ang 402 kanseladong POGO hubs.
“Sa listahan na binigay ni [Philippine Amusement and Gaming Corporation] noong nakaraang taon, meron silang 402 na di umano’y mga kanseladong mga POGOs,”ayon kay Casio.
“Sa aming pagmamanman doon sa 402 na iyon, marami pa ho halos 100 ang mga operational sa mga iyon,” aniya pa rin.
Ani Casio, sa ngayon, apat na POGO hubs ang naipasara ng PAOCC, sa tulong ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation.
Tinuran pa ni Casio na umabot pa ng limang linggo ang PAOCC para sa case buildup at dalawang buwan naman para sa operasyon laban lamang sa isang POGO hub.
“To be honest, at the rate we are going, hindi ho yata natin kayang tapusin ang problemang ito hangga’t hindi magkakaroon ng polisiya na mas malalim at mas malakas laban dito sa mga scam farms ng mga ito,” aniya pa rin.
At nang tanungin kung irerekomenda ng PAOCC kay Pangulong FerdinandMarcos Jr. ang “total ban” sa mga POGOs, sinabi ni Casio na bahala na si PAOCC chair, Executive Secretary Lucas Bersamin sa bagay na ito.
Winika ni Casio na palaging sumasangguni si Bersamin sa ibang Cabinet secretaries at law enforcement agencies. (Daris Jose)
-
Manny puno ng pasasalamat
Sa kabila ng kabiguan kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas, walang ibang bukambibig si Manny Pacquiao kundi pasasalamat. Sa kanyang bagong post sa social media, nagpasalamat ito sa Panginoon sa paggabay nito sa kanyang laban noong Linggo sa Las Vegas, Nevada. “I want to thank God for giving […]
-
Face mask sa Simbang Gabi, hinirit
HINIKAYAT ng Simbahang Katoliko na boluntaryong magsuot ng facemask ang mga dadalo sa tradisyunal na Simbang Gabi kasunod ng pagtaas muli sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa circular na inilabas nitong Disyembre 15, sinabi ni Cardinal Jose Advincula na ito ay ayon sa rekomendasyon ng Ministry of Health Care ng arkidiyoseses. […]
-
Publiko dapat na mag-ingat sa mga mamantikang pagkain ngayong holidays – DOH
Bukod sa banta ng coronavirus disease (COVID-19), pinaalalahanan din ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit na madalas lumalabas kapag year-end holiday. “Marami tayong sakit katulad ng hypertension, hypercholesterolemia, emphysema,” ani Health Sec. Francisco Duque III. Paliwanag ng kalihim, nakukuha ang mga naturang sakit kapag walang ang indibidwal ay […]