• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRB: P264 provisional toll sa Skyway 3

Inilabas ng Toll Regulatory Board (TRB), ang ahensiya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ang provisional toll rates para sa 18-kilometer na Skyway Stage 3 project sa ilalim ng San Miguel Corp. (SMC).

 

 

Kung deretso mula sa Buendia sa Makati hanggang South Luzon Expressway (SLEX), ang pinayagan provisional toll rate ay P264.

 

 

Habang mula naman sa Phase 1 – Buendia hanggang Sta. Mesa ay P105; Phase 2 – Ramon Magsaysay hanggang Balintawak ang toll rate ay P129.

 

 

Ayon kay TRB spokesman Julius Corpus ang nasabing pinayagang provisional toll rates ay maaari pa na magbago depende sa mga bagong pangyayari sa darating na mga susunod na araw.

 

 

Sinabi rin ni Corpus na hindi kaagad-agad na maipapatupad at masisimulan ang pagkokolekta ng mga nasabing toll rates hanggang hindi pa sila nabibigyan ng abiso mula sa TRB.

 

 

“It does not necessarily mean that they have been given the approval on the rates that they can automatically collect. These may be the initial provisional rates that they may be authorized to collect once they are given notice to start collection. Until then, they still cannot collect,” wika ni Corpus.

 

 

Ang nasabing pinayagan provisional rates ay mas mababa ng konti sa hiniling ng SMC na rates.

 

 

Saad din ni Corpus na marami pa na proseso ang pagdadaanan para sa approval ng rates. Gagawa pa ng resolution ang TRB kung saan ito ay kinakailangan na ilathala sa payagan ng general circulation ng isang beses kada linggo sa loob ng tatlong (3) magkakasunod na linggo. Kinakailangan din na magbigay sila ng surety bond.

 

 

Hiwalay pa rin ang mga requirements na kailangan gawin upang ang SMC ay mabigyan ng awtoridad upang makapag kolekta ng toll rates.

 

 

Samantala, wika ni SMC president Ramon Ang na lumalaki na ang kanilang pagkalugi dahil sa naaantalang toll collection na dapat sana ay sinimulan noong February pagkatapos na ang SMC ay magbigay ng libreng access sa loob ng isang buwan.

 

 

“Basically, TRB is insisting that Skyway 3 cannot start full operations and collect toll until all ramps are 100 percent complete. Our supplemental toll operation agreement states that we can start collecting at 95 percent completion – we are now 97 complete,” saad ni Ang.

 

 

Dagdag pa niya na kailangan nila ng sapat na pondo para sa daily maintenance ng kalsada at tamang long-term upkeep upang matiyak na ito ay ligtas at mahusay para sa mga motorista.

 

 

Dahil tumataas na ang pagkalugi gawa ng pagaantala ng TRB na simulan na ang toll collection, ang pinakamadaling paraan ay tuluyang ng gawin ang lahat ng ramps upang magkaron ng 100 percent completion subalit ito ay mangangahulugan na ang Skyway 3 ay kailangan munang saraduhan.

 

 

Tinatantiya na gagastos ng P10 billion kada taon ang SMC para lamang sa operasyon ng Skyway 3 subalit ang inaasahang makukuhang revenue ay P4 billion lamang kada taon na mas mababa base sa kanilang inihain na toll rates at existing na 60,000 na dami ng sasakyan kada araw.

 

 

Ang inihain na mungkahi ng SMC para sa Skyway toll rates noon pa man ay mula P110 hanggang P274. (LASACMAR)

Other News
  • DOTr: Accomplishment Report sa ilalim ng Duterte Administrasyon

    Naglatag ng accomplishment report and Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng Duterte administrasyon kung saan may mga game-changing transport infrastructure projects, programs at initiatives sa apat na sector nito ang natapos at nagawa habang ang iba naman ay nabigyan ng solusyon ang matagal ng problema sa transportasyon.       Sa sector ng aviation […]

  • Ministry of Defense, naglunsad ng imbestigasyon sa leak ng detalye sa 250 Afghan interpreters

    Ipinag-utos ni British Defence Secretary Ben Wallace ang agarang imbestigasyon matapos na malabag ang data privacy ng nasa mahigit 250 Afghan interpreters na dating naninilbihan sa UK military forces.     Inamin ng Ministry of Defence (MoD) na nagkaroon ng leak sa mga impormasyon hinggil sa email address ng mga Afghan interpreters na humihiling ng […]

  • Del Monte Ave. to Fernando Poe, Jr. Avenue sa QC? Tama ba ‘to? Ano kaya ang sasabihin ni Da King tungkol dito?

    BIHIRANG bihira na magpanukala ng batas si Senator Lito Lapid kaya naman kapag mayroon ay mapupuna kaagad. Isa dito ang panukalang palitan ang pangalan ng makasaysayang Del Monte Avenue sa pangalan ng hari ng pelikulang Pilipino, Fernando Poe Jr. Marahil kung hindi ka taga San Francisco Del Monte, Quezon City, ay wa epek sayo ito […]