DOTr pinalawig ang free rides sa mga health workers, APORs
- Published on April 16, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang malawakang pagpapatupad ng pagbibigay ng libreng sakay sa lahat ng health workers at authorized persons outside of residence (APORs).
Inutusan ni Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin ang programa hindi lamang sa Metro Manila kung hindi pati na rin sa probinsiya kahit na ano pang quarantine classification mayron ang lugar.
Kasama rin sa libreng sakay ang mga essential workers at mga APORs. “The program aims to help essential workers get to their destination safely and efficiently by providing them free transportation,” wika ni Tugade.
Sa ganitong paraan ay makakatulong din ito sa mga essential workers upang hindi masyadong maramdaman ang hindi magandang epekto sa kabuyahan nila na dala ng quarantine restrictions.
Matutulungan din ng nasabing programa ang mga operators at drivers ng mga public utility vehicles (PUVs) sa pamamagitan ng Service Contracting Program.
“This is like socialized transport system. The government pays for it and the people will just have to use it. This is our assistance to our countrymen,” saad ni Tugade.
Ang libreng sakay para sa mga health workers at APORs ay ipapatupad hanggang may pondo pa na nagagamit mula sa Bayanihan to Recover as One (Bayanihan II) para sa Service Contracting Program.
Sa ilalim ng batas, ang mga critically-impacted transport sectors ay bibigyan ng P9.5 billion na pondo kung saan ang malaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa service contracting efforts na tutulong sa mga drivers at oprators na naapektuhan ng pandemya. May P5.5 billion ang nakalaan sa service contracting program ng pamahalaan.
“Under the Service Contracting Program, the DOTr through the LTFRB is giving payouts to participating operators and drivers of Public Utility Buses (PUBs) and Public Utility Jeepneys (PUJs). They are provided with performance-based subsidy based on the kilometers traveled by the vehicles,” dagdag ni Tugade.
Mula noong April 12, 2021, ang Free Ride Program para sa mga health workers at APORs ay may naitalang 2.2 million na kabuohang pasahero sa Metro Manila at karatig na lugar mula ng nagsimula ito noong March 18, 2021. Mula sa kabuohang ridership, may 587, 892 na pasahero ang mula sa National Capital Region (NCR) at 1,651, 722 mula sa ibang rehiyon ng bansa. Mayron 20 na ruta ang nasa ilalim ng nasabing programa sa Metro Manila.
Nanawagan naman si Tugade sa mga pasahero, operators at drivers na laging sumunod sa health protocols na ipanatutupad tulad ng paggamit ng face mask, face shield at pagsunod sa social distancing. (LASACMAR)
-
Proyekto ng Duterte admin itutuloy ni PBBM
ITUTULOY ng administrasyong Marcos ang ilang proyekto na nasimulan ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Marcos, ito ay dahil nakita niya ang bunga ng ilan sa mga proyekto ni Duterte na flagship infrastructure program nitong mga unang araw ng Marso. Lumalabas na sa 194 infrastructure projects na nagkakahalaga ng P9 […]
-
‘Pang-4 lang si Rappler CEO Maria Ressa na convicted sa cyber libel case ‘di kauna-unahan’ – DoJ
Nilinaw ngayon ng Department of Justice (DoJ) na hindi ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa ang kauna-unahang Filipino journalist na convicted sa kasong cyber libel sa Pilipinas. Sa mga lumabas na report kahapon, si Ressa ang unang mamamahayag na convicted na lumabag sa naturang batas. Pero ayon kay DoJ Usec. at […]
-
‘Firefly’, big winner sa ‘Manila International Film Festival: DINGDONG at PIOLO, tie sa Best Actor at si VILMA pa rin ang Best Actress
BIG winner ang ‘Firefly’ sa kauna-unahang Manila International Film Awards na ginanap noong Sabado, Feb. 3 (oras sa Pilipinas). Ang 10 pelikulang Pilipino ay umeksena sa Hollywood, idinaos ang MIFF mula Enero 29 hanggang Pebrero 2 sa TCL Chinese Theaters sa Los Angeles, USA. Ang ‘Firefly’ ang nagwagi ng Best Screenplay […]