Nelson nagtala ng bagong rekord sa hammer throw
- Published on April 16, 2021
- by @peoplesbalita
SUMULAT ng bagong national women’s hammer throw record si Filipino-Canadian Shiloh Corrales-Nelson sa katatapos na Triton Invitational Tourney sa University of California-San Diego track oval sa United States.
Ineklipsehan ng University of California-Riverside track team member sa six and last attempt ang eight-year-old PH mark na 50.55 meters ni Loralie Amahit-Sermona na naitatak sa 2013 Pune Asian track and field championships.
Naghagis ang dalaga ng 50.63m, pero bineberipika pa ito ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) bago opisyal na ipasok sa record books.
Ang 19-anyos dalagang thrower ang nakababatang utol ni 2020 Tokyo Olympic hopeful sprinter Zion Corrales-Nelson.
Mga apo naman sila ni 1962 Jakarta Asian Games gold medalist at Philippine Sports Hall of Famer Rogelio Onofre. (REC)
-
‘Cease and desist’ vs MRT 7, binawi ni Belmonte
BINAWI na ni QC Mayor Joy Belmonte ang inisyung ‘cease and desist order’ sa ‘above ground construction’ ng Metro Rail Transit (MRT) 7 sa Quezon Memorial Circle station matapos na maplantsa ang mga usapin. Ayon kay Belmonte, sa pulong ng mga opisyal ng QC Local Government Unit (LGU), EEI Corporation, San Miguel Corporation, Department […]
-
Pagkamatay ng mag-ama sa pamamaril sa Navotas, kinondena ni Tiangco
MARIING kinondena ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang nangyaring madugong pamamaril ng dalawang hindi kilalang salarin na ikinamatay ng isang mag-ama at ikinasugat ng dalawa pang katao sa naturang lungsod. Nagpaabot din ng kanyang taos pusong pakikiramay si Mayor Tiangco sa pamilya ng mga biktima at nangakong ibibigay sa kanila ang […]
-
PNP nagpaalala sa mga biyahero sa minimum health protocols
PINAALALAHANAN ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols kaugnay ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19. Ito’y kaugnay ng inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista sa mga tourist spots ngayong summer season o panahon ng bakasyon. Ayon kay Col. Jean Fajardo ng PNP-Public Information Officer, […]