• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tokyo Olympics organizers tiwala pa rin na matutuloy ang mga laro sa Hulyo

Tiwala pa rin ang organizers ng Tokyo Olympics na matutuloy pa rin ang mga laro kahit na nahaharap sila malaking pagsubok at ito ay ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

 

 

Sa natitirang 99 araw bago ang July 23 Olympics ay positibo pa rin ang mga organizers na matutuloy ang mga events.

 

 

Isa sa naging halimbawa na wala ng makakahadlang sa mga laro ay ang pagsisimula na ng Olympic torch relay na nag-umpisa sa Fukushima noong nakaraang buwan.

 

 

Bagamat hindi na kailangan na maturukan ng COVID-19 vaccines ang mga atleta ay hinihikayat pa rin sila ng International Olympic Committee ang pagpapabakuna at naglaan na rin sila ng Chinese-made vaccines para sa mga atleta na wala pang bakuna.

 

 

Ayon sa mga organizers, mapapawi at mawawala ang atensiyon ng mga tao sa COVID-19 kapag makita nila ang mga atleta sa entablado sa pagsisimula ng Olympics.

Other News
  • Pinasalamatan ni Marian ang Fil-Am popstar: ZIA, nag-enjoy nang husto sa concert ni OLIVIA RODRIGO

    HINDI talaga maitatago ang sobrang kaligayahan ng unica hija nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes, na isa sa libu-libong kabataan na nanood ng “Guts World Tour” concert ni Olivia Rodrigo noong Sabado sa Philippine Arena sa Bulacan.Sa Instagram post ni Kapuso Primetime Queen, ibinahagi niya ang video ni Zia na tuwang-tuwang […]

  • Pinoy archers tatarget ng Olympic ticket sa Paris

    Kumpiyansa si archery president Jesus Clint Aranas na isa sa limang national archers ang makakapana ng tiket para sa 2021 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan.     Sasabak sina national archers Riley Silos, Jason Emmanuel Feliciano, Pia Elizabeth Bidaure, Phoebe Nicole Amistoso at Gabrielle Monica Bidaure sa World Olympic Qualifiers sa Paris, France […]

  • Andi, ‘di na sanay sa ingay ng city at na-miss agad ang Siargao

    NASA Manila pala ngayon si Andi Eigenmann kasama ang mga anak na sins Ellie at Lilo at hindi makauwi sa Siargao.   Na-stranded ang mag-iina sa Manila at miss na nila ang bahay nila sa Siargao kunsaan ang naroon lang ay ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo.   Dahil sa magkakasunod na bagyo […]