• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Andi, ‘di na sanay sa ingay ng city at na-miss agad ang Siargao

NASA Manila pala ngayon si Andi Eigenmann kasama ang mga anak na sins Ellie at Lilo at hindi makauwi sa Siargao.

 

Na-stranded ang mag-iina sa Manila at miss na nila ang bahay nila sa Siargao kunsaan ang naroon lang ay ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo.

 

Dahil sa magkakasunod na bagyo ay hindi raw maka-book ng flight si Andi. Kaya naghintay sila maging maayos na ulit ang panahon.

 

Hindi na raw sanay si Andi sa ingay ng city pero ang maganda raw ay nakasama niya ang kanyang pamilya na ilang beses lang niya makita sa isang taon.

 

“I feel like we see our family more now than before. For me, the silver lining is that I get to be with my girls and that every member of our family, all of our loved ones, are safe and healthy,” sey ni Andi sa kanyang vlog.

 

Maayos naman daw ang lagay ni Philmar sa Siargao at gusto na niyang makapiing ito.

 

“As much as we wish that the three of us and Philmar are all together, all complete, I’m also really glad that he’s safe and healthy over there on the island and that he’s home where he belongs, especially now that the waves have been pumping. It’s been really good in Siargao. Philmar has just been spending his time riding the waves.”

 

Nasa ika-25th week na ng pagbubuntis si Andi sa third baby niya.

 

“I’m nearing the end of my second trimester. We’re just hoping that once my third6 trimester comes, at the least, we can all enjoy and experience my pregnancy with Philmar around.” (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • House-to-house vaccination ng pamahalaan, tuloy pa rin pero para lamang sa mga bedridden -Usec. Malaya

    TULUY-TULOY pa rin ang house-to-house vaccination ng pamahalaan subalit para lamang sa mga bedridden.   Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing na ang lahat ng Local Government Units (LGUS) sa Kalakhang Maynila at karatig-lugar ay gumagawa ng house-to-house vaccination.   “Para lamang po iyan sa mga bedridden na hindi makalabas […]

  • ‘Family Matters’, big winner at waging Best Picture: NADINE, muling nakasungkit ng ‘Best Actress’ award sa FAMAS

    SA ikalawang pagkakataon, muling nasungkit ni Nadine Lustre ang Best Actress trophy sa 71st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), para sa pelikulang “Greed” na tungkol sa isang mag-asawa na nanalo ng pinakamalaking jackpot sa lotto.     Una siyang nagwagi ng major award sa nasabing award-giving body, nang gampanan niya ang role […]

  • Tattoo artist tinodas sa Navotas

    Patay ang isang tattoo artist matapos barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa harap ng kanyang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.       Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Ryusi Soriano alyas “Adjong”, 25 ng 19 Pat Buntan, Brgy. San Roque.     […]