• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DONITA ROSE, corporate chef na sa isang sikat na Filipino supermarket chain

MASAYANG binalita ni Donita Rose na siya na ngayon ang corporate chef para sa sikat na Filipino supermarket chain sa United States na Island Pacific.

 

 

Sa kanyang Instagram, heto ang post ni Donita: “It’s official! You are now looking @islandpacificmarket’s Corporate R&D Chef. Wait ‘til you see what we’ve been working on together with @gtongi & @maricelaguilar2010 to bring Philippine Cuisine to the next level.”

 

 

Nagdesisyon na bumalik sa US si Donita last year dahil mas gusto niyang malapit siya sa kanyang pamilya ngayong may pandemic.

 

 

Wala ring permanenteng trabaho si Donita sa Pilipinas kaya binalikan niya ang kanyang pagiging chef sa US.

 

 

***

 

 

PAUSE muna ang Centerstage sa kiddie biritan simula ngayong Linggo.

 

 

Pansamantala munang hindi mapapanood sa telebisyon ang original reality kiddie singing competition ng Kapuso Network na Centerstage.

 

 

Bilang pagsunod sa taping protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, pansamantala munang ititigil ng Kapuso Network ang pag-ere ng Centerstage sa loob ng tatlong linggo.

 

 

Wala naman dapat ikalungkot ang viewers dahil sa May ay muling sasabak ang Bida Kids sa mas matinding pasiklaban hanggang grand finale.

 

 

Samantala, balikan naman ang nakakabilib na performances ng Clashers sa flashback specials ng singing competition na The Clash mula Season 1 hanggang Season 3 na pansamantala munang mapapanood sa timeslot ng Centerstage. 

 

 

***

 

 

NAG-AGREE sa joint custody sina Kim Kardashian at Kanye West sa apat nilang anak na sina North, Chicago, Saint and Psalm.

 

 

Sa kanilang divorce files, nakasaad pareho ang “irreconcilable differences” na cause ng paghiwalay nila.  Nag-agree din sila na hindi nila kailangan ng spousal support.

 

 

According to Kardashian’s filing, they kept their property separate throughout their marriage because of the terms of a pre-nuptial agreement.

 

 

Isa ring dahilan kung bakit hiniwalayan ni Kim si Kanye ay dahil sa erratic behavior nito dala ng bipolar disorder.

 

 

“Kanye is a brilliant but complicated person, sey ni Kim sa isang interview. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 17 nadagdag na nasawi sa pandemya sa CAMANAVA

    Labimpito ang nadagdag na binawian ng buhay sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) dahil sa COVID-19 batay sa pinakahuling ulat ng mga City Health Offices ng mga nasabing lungsod at 4,272 naman ang active cases sa nasabing bahagi ng Kalakhang Maynila.     Pito ang patay sa Valenzuela City hanggang 10 pm ng Marso 29 habang 846 ang […]

  • ‘The Apprentice’ sa ONE, inilunsad; Closed-door fight, kasado na

    INILUNSAD ng ONE Championship, nangungunang MMA promotion sa Asya, ang ‘The Apprentice: ONE Championship Edition’.   Sa basbas ng MGM Television, itatampok sa ‘The Apprentice’ ang 16 na kalahok na sasabak sa ‘high-stakes game of business competitions and physical challenges’ kung saan naghihintay ang US$250,000 job offer sa ilalim ng opisina ni Chatri Sityodtong sa […]

  • After six months na isilang si Baby Dylan… JENNYLYN, pinaghahandaan na ang pagbabalik-taping sa serye nila ni XIAN

    PATULOY na kinagigiliwan ng mga netizens ang panonood gabi-gabi ng historical fantasy portal series ng GMA Network na “Maria Clara at Ibarra.”      Na ngayon sa story ay may nabuo pang isang magandang relasyon sa pagitan nina Klay (Barbie Forteza) at Fidel (David Licauco), kahit minsan ay para silang aso’t pusa sa eksena, dahil […]