VP Robredo naka-quarantine, close-in bodyguard nagka-COVID-19
- Published on April 19, 2021
- by @peoplesbalita
Kusang nag-quarantine si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa kanyang close-in security detail na nagpositibo sa COVID-19.
Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security.
“I was all set to go. But just a few minutes ago, I received a contact tracing call informing me that my close-in security has tested positive [for COVID-19],” pahayag ni Robredo.
Anya, halos araw-araw ay kasama niya ang kanyang close-in security kahit sa loob ng sasakyan, sa elevator at sa opisina.
Ayon kay Robredo, susunod siya sa health protocols at sasailalim din sa RT-PCR o swab test.
Matatandaan na noong nakaraang taon, nag-quarantine na rin si Robredo matapos ma-expose sa taong nagpositibo sa COVID-19.
Una nang naglunsad ang tanggapan ni Robredo ng mobile Swab Cab na nagkakaloob ng libreng antigen COVID tests sa mga lugar na may mataas na kaso ng virus. (Daris Jose)
-
‘Bayanihan para sa PGH,’ panawagan din ng Palasyo
Ikinalulungkot ng Malacanang ang pagkasunog ng Philippine General Hospital (PGH) sa Lungsod ng Maynila bago mag-ala-1:00 ng madaling araw noong Linggo, May 16. Kasabay nito ay nanawagan ng tulong si Presidential Spokesman Harry Roque para sa mga naapektuhan ng sunog. We are saddened by the fire that hit a portion of […]
-
NAG-VIRAL NA TRAFFIC ENFORCER, PINARANGALAN
PINARANGALAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nag-viral matapos itong saktan ng isang babaeng motorista. Ang nasabing personnel ay kinilalang si Marcus Anzures na kung matatandaan ay ilang beses sinaktan ng sinita nitong si Pauline Mae Altamirano alyas Maria Hola dahil sa paglabag […]
-
Pamilyang nagsabing sila ay mahirap bumaba – OCTA
BUMABA ang bilang ng mga Pilipino na nakaranas ng gutom at kahirapan sa unang quarter ng 2024. Sa pinakahuling OCTA Research survey, lumalabas na 42 percent o 11.1 milyong pamilya sa bansa ang itinuturing na mahirap. Mas mababa ito sa 45% o katumbas ng 11.9 milyong Pinoy na nagsabing sila ay […]