• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AFP chief, nakipagpulong sa mga Muslim Leaders sa NCR

NAKIPAGPULONG si AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay sa mga NCR-based Muslim Leaders na kinabibilangan ng mga muftis, imams at madrasah officials na ginanap sa Kampo Aguinaldo. Layon ng nasabing dayalogo ay para paigtingin pa ang koordinasyon ng AFP sa mga Muslim religious leaders para labanan ang terorismo sa bansa.

 

Pinangunahan ni NCR Grand Mufti Dr. Al-Sheick Abdeljabar Macarimbor ng Filipino- Arab Alliance and united Muslim Ummah Federation for Socio-Economic and Peace Development.

 

Naniniwala kasi si chief of staff na mahalaga na magkaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng AFP at ng nasabing grupo.

 

Una ng hiniling ni Gapay na makapulong ang mga Muslim leaders dito sa Metro Manila.

 

Binigyang-diin ni AFP chief sa nasabing pulong ang posisyon nng AFP na protektahan ang Madrasah o Madaris mula sa terrorist exploitation.

 

Ang Madrash o Madaris ay isang educational institution na nagtuturo ng Islamic studies at Arabic literacy.

 

Siniguro ni Gapay na magpapatuloy ang kanilang engagement sa grupo para mapalakas pa ang kanilang partnership sa isa’t isa.

 

Magugunitang unang nag-“reach out” si Gen. Gapay sa mga muslim leaders matapos niyang linawin na Hindi niya ibig sabihin na nagtuturo ng terrorismo ang mga madrasah o muslim schools sa kanyang pahayag na babantayan ng AFP ang mga ito.

 

Sa pagpupulong sa Camp Aguinaldo, nagpasalamat si Gen. Gapay sa pakikiisa ng muslim community sa adhikain ng AFP na mapigilan ang mga lawless elements na naghahasik ng terrorismo.

 

Kabilang pa sa mga nakipagpulong kay Gen. Gapay sina: Grand Imam Alem Maguid A. Tahir; Aleem Ahmad Kudarat; Aleem Abubacar Talib Manamping; Datu Umbria P. Mama; Aleem Hanip Sarip; Aleem Aliasgar Abolais; Mohammad Alioden Manalinding; Aleem Nashroden Alamada; Alihasan Taha; Aleem Khalid H. Matling; Aleem Abdulhamid Mustapha; Hismam H. Sedic; Abdul Malik Calauto; Almanzor I. Hajishaq; Abobacar T. Manampen; Sherwina Ali; Secretary to the NCR Grand Mufti Alex Y. Lebria; Bai Rohaniza Sumndad- Usman.

Other News
  • UP, NU ayaw bumitaw sa unahan

    PATULOY  ang pagsosos­yo ng nagdedepensang University of the Philippines at National University sa liderato sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament.     Ito ay matapos talunin ng UP ang University of the East, 84-77, at gibain ng NU ang De La Salle University, 80-76, para sa magkatulad nilang 5-1 record kahapon sa MOA Arena […]

  • Tugon sa trending sa FB na #wagkalimutanyungbinulsang 15BsaPhilhealthChallenge

    NANANATILI ang posisyon ng pamahalaan na panagutin ang mga tiwaling opisyal ng Philippine Health Corporation (PhilHealth) na sangkot sa katiwalian sa state insurer.   “There is no let-up in our drive to make erring officials of the Philippine Health Corporation (PhilHealth) accountable for their alleged misdeeds,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque bilang tugon sa […]

  • VP Leni, misinformed sa nangyaring gulo sa pagitan ng magsasaka at pulisya

    PINABULAANAN ni Department of Agrarian Reform (DAR) Acting Sec. Bernie Cruz, ang naging pahayag ni VP Leni Robrero patungkol sa pang-aaresto ng pulisya sa umano’y mga magsasaka sa Hacienda Tinang sa Tarlac City.     Ito ay matapos sirain at guluhin ng higit 90 magsasaka ang mga tanim ng mga co-owners ng Collective Certificates of […]