Sixers, pinutol ang 7-game winning streak ng Clippers
- Published on April 20, 2021
- by @peoplesbalita
Nagbuhos si Joel Embiid ng 36 points at 14 rebounds para tulungan ang Philadelphia 76ers na pahiyain ang Los Angeles Clippers, 106-103.
Nagawang putulin ng 76ers ang pitong sunod-sunod na panalo ng Clippers para magpantay na sila sa tig-39 na panalo ngayong season.
Nabaliwala rin naman ang ginawang kayod nina Paul George na may 37 big points at nine rebounds, Patrick Patterson na may season-high 18 points at si Marcus Morris na nagdagdag ng 15.
Si Kawhi Leonard ay nasa ikaapat na beses na hindi pa rin nakakalaro bunsod ng pamamaga ng kanyang kanang paa.
Para sa Sixers ito na ang ikalawang game na kanilang itinumba ang mga bigating koponan kung saan noong Huwebes ay winalis naman nila ang Brooklyn.
-
Slaughter gusto nang bumalik sa basketbol
SABIK nang bumalik sa paglalaro si Philippine Basketball Association (PBA) star Gregory William ‘Greg’ Slaughter ng dating Barangay Ginebra San Miguel. Sa Twitter pinarating ng 32-year-old, 7-foot center ng former Gin King, nitong isang araw lang dahil sa panonood ng laro ng Gilas Pilipinas sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup qualifier window […]
-
DepEd, target na ayusin ang performance ng 8 milyong estudyante para sa 2025 PISA
SINABI ni Education Secretary Sonny Angara na dapat na tutukan ng Department of Education (DepEd) ang performance ng 8 milyong mag-aaral at stakeholders nito sa paghahanda para sa Programme for International Student Assessment (PISA) para sa susunod na taon. Sinabi ng Kalihim na ang kanyang “immediate goal” sa pag-upo sa DepEd ay iangat ang performance […]
-
Usher in the Yuletide Cheer at Greenfield District’s “Christmas for Generations” 2024
The most wonderful time of the year is just right around the corner! This holiday season, Greenfield Development Corporation (GDC) invites families, friends, and communities to celebrate “Christmas for Generations,” an annual tradition that has brought warmth and joy to the city of Mandaluyong since 2014. Happened last November 15, 2024, the event promises an […]