• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Slaughter gusto nang bumalik sa basketbol

SABIK nang bumalik sa paglalaro si Philippine Basketball Association (PBA) star Gregory William ‘Greg’ Slaughter ng dating Barangay Ginebra San Miguel.

 

Sa Twitter pinarating ng 32-year-old, 7-foot center ng former Gin King, nitong isang araw lang dahil sa panonood ng laro ng Gilas Pilipinas sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup qualifier window 2 sa Manama, Bahrain nitong Biyernes at Lunes.

 

At sa 45th PBA 2020 Philippine Cup Finals bubble ng BGSM at TNT sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga nitong Linggo at malamang abangan niya ngayong Miyerkoles.

 

Pagkakampeon ng Gin Kings sa Governors Cup noong Enero, hindi na pumirma ng panibagong kontrata si Gregzilla sa crowd favorite squad. Nagdesisyong tumalikod muna sa pro league. Dumayo ang Fil-Am ng Estados Unidos, pero kahit inabot ng pandemic ay nakakapapag-ensayo pa rin sa gyms doon para mapanatili ang tikas.

 

Bago nagsimula ang PBA restart sa Pampanga bubble nitong Oktubre 5, nakauwi ng Pilipinas si Slaughter.

 

Nag-ugat ang pagsabog ng gigil niya sa winner-take-all ng Ginebra at Meralco sa best-of-five semifinal noong Biyernes, dagdag pa ang pagkatapos ng decider ng PBA ay may Gilas game pa kontra Thailand sa FIBA Asia Cup kung saan nanalo ang mga Pinoy, 93-61.

 

“Do or die game for Ginebra and FIBA Asia Games for our #TeamPilipinas got me itching to play again so bad!” pagkumpisal ng basketbolista sa social media.

 

Pero hanggang imahinasyon lang muna si Slaughter habang hindi pa rin nakikipag-usap kay Ginebra team manager Alfrancis Chua. (REC)

Other News
  • Mga kabataan, puwede na sa malls-Sec. Año

    PAPAYAGAN nang makalabas at makapunta sa malls ang mga kabataan  basta kasama ang kanilang mga magulang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.   Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na “Para na rin po sa Kapaskuhan ay dun […]

  • PBBM, pinanatili ang COVID Alert Level System; target ang bagong health restrictions classification

    SINANG-AYUNAN ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na manatili ang COVID-19 Alert Level System, sa ngayon lang habang naghahanap at pinag-aaralan na i-reclassify ang restrictions na komportable sa kasalukuyang milder strains na nakahahawa sa pasyente.     Ito’y matapos na ihayag ng mga health authorities na makapagpapalabas sila ng bagong alert level classification  sa kalagitnaan […]

  • Tinupad ang pangakong ‘di iiwan ang ABS–CBN: KATHRYN, naging emosyonal sa pagpirma ng bagong kontrata

    MAY mga negatibong reaksiyon ang nga netizen sa napanood nilang trailer ng “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Julia Barretto.   Kung may mga kinilig pero higit na nakararami ang hindi sang-ayon sa “love angle” ng mga roles na ginampanan nila.   Malaking agwat ng edad ng dalawang bida […]