• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAINE, ipinagtanggol ni CIARA sa mga bumabatikos pa rin dahil sa ‘old tweets’ kahit nag-apologize na

IPINAGTANGGOL ni Ciara Sotto si Maine Mendoza sa mga bashers nito matapos na mag-public apology last Friday dahil binatikos ang tv host/actress sa muling paglitaw ng luma nitong tweets.

 

 

Naakusahan nga si Maine na homophobic, racist at kung anu-ano pang pangungutya dahil sa mga tweets noong bata pa siya, at inamin naman niya na naging “careless” sa pagsusulat ng kanyang mga saloobin. Nai-post nga niya ang mga tweets mula 2011 hanggang 2012.

 

 

Tweet ni Maine, Hi tweeps. I’ve been receiving a lot of messages about my tweets several years ago. Sending my sincerest apologies to those whom I have offended with my tweets way back then.

 

 

“It was my careless self talking and I didn’t mean to offend anyone. I am sincerely sorry.she added.

 

 

Sa kanyang follow-up tweet, may pakiusap si Maine, “Through the years, I have learned to be more careful with my thoughts and words – and how it would affect the people around me.”

 

 

“Praying for everyone’s safety and sanity in these trying times,” dagdag pa niya.

 

 

Nagpakita nga ng pagmamahal at suporta si Ciara kay Maine at nag-tweet siya noong April 17 ng, “You are not defined by your past mistakes. Whatever you’ve been through doesn’t have to be the end of you. You are valuable and irreplaceable. And I love you.

 

 

Dagdag pa ng co-host ng Eat Bulaga:

 

You are not defined by your past mistakes. Whatever you’ve been through doesn’t have to be the end of you. You are valuable and irreplaceable. And I love you!!! @mainedcm.”

Nanawagan din si Ciara na maging kind at itigil na ang pagpapakalat ng hate.

“All of us have made mistakes in the past that we regret, especially when we were younger. Being a celebrity doesn’t mean we are not allowed to make those mistakes. We are human just like you.

All of us have made mistakes in the past that we regret, especially when we were younger… Being a celebrity doesn’t mean we are not allowed to make those mistakes… we are human just like you. STOP THE HATE. BE KIND… TO OTHERS… and TO YOURSELF.

Deleted na ang mga tweets ni Maine, pero na-screenshots na ito at patuloy na kumakalat sa Twitter, bukod sa mga bumabatikos, marami din naman ang dumepensa sa kanya, dahil tao lang siya na nagkakamali at hindi perpekto.

Ang mahalaga naman ay inamin na niya ang kanyang pagkakamali, kaya nga siya humihingi ng patawad sa mga nasaktan niya sa kanyang mga tweets.

 

 

Reaction naman ng ilang netizens:

 

“If people talk about what really happened, it’s called hate. But the person who did the cursing and insults, deserve nothing but love. Artista nga kayo. You live in a wonderland of privilege.”

“Ano ba kasi yung exact tweets niya sa LGBT? Sexbomb? And other bashing niya sa mga celebs.”

“Just check out “Maine tweets” on Twitter marami ka makikita nag screen shot ng mga bashings niya dun. Daming tweets niya homophobic at racist talaga si girl kahit dati pa.”

“hate na dapat sya ng mga tao dahil sa tweets nya from 10 years ago? Bawal na ba nila ioutgrow yung mga bagay na akala nila tama? Either ang toxic mo na tao na you define people based on what they did or said in the past or hater ka lang talaga ni maine lol”

“nag apologize na nga si Maine, may mga iba hindi maka move on.”

“It’s not because Hindi maka move on. It’s because nakakaduda yung move nya after 10 years na tweets.

“It’s good nga lumabas yung old tweets niya para malaman ng tao ang tunay na Maine Mendoza eh.”

“She apologized cos she was called out by LGBT community and some swifties. Natakot sya at konti na nga lang fanbase nya, mati turn off pa ang casuals sa kanya. Lulubog ng tuluyan ang ano mang career meron sya noh.”

“She has been called out before. People are just bringing it up again. Sabihan natin mag apologize siya yearly para mapatawad. Kaloka.”

“Nope. A lot of people admired what she did. Sorry to burst your bubble. Those people who dug her old tweets went private already. They only want to destroy Maine but it backfired to them. Tsk tsk tsk! Wala talagang nadudulot na mabuti pag masama ang intensyon mo.”

“you cannot destroy Maine by digging on her past tweets. Kahit anong sabihin niyo, talagang naabot nya ang super kasikatan noon. Then thats it.”

“no need to defend because hindi naman issue yan to begin with.”

“yung mga ibang tao kasi humahanap lang ng maibubutas sa mga artista pati past tweets. Move on!”

“You can’t be with the cancel culture if you yourself can be cancelled :)”

“Ang dami tlagang wlang magawa sa buhay maski 10 taong tweet, eh binubuhay.
Hello, teenager pa sya non kaya malamang ang daming angst sa buhay.”

“Maraming teenager na hindi ganoon ka hateful ang tweets.”

“yun na nga ang point eh, obviously, she is not one of those teenagers you are talking about. Hay, give her a break. Jusko, I am not a fan ha. Naligaw lang ako ditey kasi bored na ako sa amin. Lol”

“Ganun sya. Accept her or not. Kung talagang gusto nyang pagtakpan Ang mga tweets nya. Ang daling burahin. But never syang nagbura ni isa sa mga old tweets nya.”

“kung ayaw sa kanya ng tao, dapat noon pa siya nawalan ng career. Pero umangat ng husto di ba. Dapat dati pa siya siningil about her tweets, not now. Too late.”

“Grabe ang daming time ng mga tao to halingkat old tweets! Napakatagal na nun grabe and yet people still get offended!”

“kahit na malagas sila kakahalungkat sa baul, past is past. Tapos na. Wala na rin bearing kung ano pa mahalungkat nila.”

“Hindi ba pwedeng magbago ang tao? Mali ang mga tweets niya 10 yrs ago, but does it mean ganun parin siya mag isip ngayon? Come on people. 10 yrs ago, were you as mature as you are now??” (ROHN ROMULO)

Other News
  • CHED, dumepensa sa umano’y ‘misuse’ ng P10-B fund

    IPINAGTANGGOL ng Commission on Higher Education (CHED) ang paggamit umano ng P10 billion halaga ng pondo, para sa mga scholarship ng mga mag-aaral sa tertiary, na inaangkin ni Northern Samar 1st district Representative Paul Daza na ginagamit sa maling paraan.     Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Commission on Higher Education o CHED chairman Prospero […]

  • Umento ng government workers matatanggap na

    MAAARI nang matanggap ng mga kawani ng gobyerno ang umento sa sahod ngayong taon.   Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hinihintay na lamang nila na mailabas ng Palasyo ang executive order para rito.   Lumalabas na nasa P36 bilyon ang nakalaang alokasyon para sa salary adjustment sa ilalim ng Personnel Services Expenditures ng Fiscal […]

  • Garcia pinupuntirya na makaupakan si Pacquiao

    INEKLIPSEHAN halos ni Ryan Garcia ng Estados ang panalong seventh round technical knockout kay Luke Camp Bell ng Great Britain para makamit ang interim World Boxing Council (WBC) lightweight title nitong Linggo sa American Airlines Center sa Dallas, Texas.     Ito’y nang litanyahin niya bago pa magwagi na gustong makabangasan ang dakilang idolo niyang […]