• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magandang itinatakbo ng vaccination rollout ng bansa, pinuri ni PDu30

Patunay kasi ito na ginagawa PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte Jr. magandang itinatakbo ng vaccination rollout sa bansa.

 

ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para tiyakin na mas maraming Filipino ang protektado laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

 

Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay sinabi ng Pangulo na labis siyang nasisiyahan sa mga ulat na nagpapakita na mahigit na sa 1.4 million vaccine doses ang naiturok sa mga Filipino magmula nang sumipa ang vaccination drive noong Marso 1, 2021.

 

Ang mga Filipino ay naturukan ng Sinovac Biotech Ltd. o British-Swede firm AstraZeneca.

 

Sa ulat, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na ang PIlipinas ay nasa pangatlong ranggo sa Southeast Asia pagdating sa Covid-19 vaccination matapos ang Indonesia at Singapore.

 

Nasa 41 naman ang ranggo ng Pilipinas mula sa 173 bansa na nagsimula nang pagbabakuna at 14 naman ang ranggo mula sa 47 bansa sa Asya.

 

“Maganda ang record natin despite unfounded criticisms. The Philippines was able to get the upper berth, I said of the countries that are inoculated. Maganda and record niyan to think people were almost in a quandary where to get the next vaccination,” ayon sa Chief Executive.

 

Batid naman ng Pangulo na ang itinatakbo ng vaccination rollout sa bansa ay hindi kasi bilis ng inaasahan ng lahat.

 

Subalit, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na mahigit na sa 1 milyong katao ang nabakunahan.

 

“Nakita mo naman hindi pala tayo yung pinaka mahina. Mataas nga yung atin,” aniya pa rin.

 

Sa kabila aniya ng pagkaantala ng pagdating ng Covid-19 vaccine doses, masasabing ang performance ni Galvez ay “more than acceptable”.

 

“It speaks well of the efforts of your office to at least come to a more than an acceptable performance in the matter of the fight against Covid,” diing pahayag ng Pangulo.

 

Samantala, tiniyak naman ni Galvez, na mahigit sa 2 million Covid-19 vaccine doses ang inaasahan na darating sa bansa ngayong buwan ngAbril, 4 million doses naman sa buwan ng Mayo at 7 hanggang 8 million doses naman sa Hunyo.

 

Layon ng Pilipinas na makapag-secure ng 148 million doses ng Covid-19 vaccines mula sa ilang kompanya para ibakuna sa 50 hanggang 70 milyong Filipino ngayong taon. (Daris Jose)

Other News
  • Mga barangay chairman na pabaya sa pagkalat ng COVID-19 ipapaaresto na – Duterte

    Muling ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan na arestuhin ang mga punong barangay na bigong pagbawalan ang mga nagaganap na mass gathering para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.     Sinabi ng pangulo, isang pagpapabaya sa mga sinumpaang tungkulin ng punong barangay kapag hahayaan lamang magkaroon ng hawaan ng virus.     Dagdag […]

  • Dahil ginamit sa video ang kuha sa kasal nila: Ex-husband ni MOIRA na si JASON, tinawag na ‘clout chaser’ at ‘user’

    “CLOUT Chaser” at “User” ang ilan sa mga salitang mababasa sa mga comments patungkol kay Jason Marvin.     Ang ex-husband ni Moira dela Torre, though, technically, mag-asawa pa rin sila dahil hindi pa naman sila annulled.     In bad taste ang kinalabasan ng music video ni Jason sa bago niyang single na “Ikaw […]

  • Rider timbog sa baril-barilan at shabu sa Valenzuela

    Kulong ang isang 44-anyos na rider matapos makuhanan ng baril-barilan at shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Airsoft pistol/ illegal possesion of firearm), paglabag sa RA 9165 at Art 151 of RPC (Disobedience) ang […]