• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto bawal pa sa NBA, sasalang sa NBL, Gilas

TUTUPARIN ni National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto ang manilbihan para sa Gilas Pilipinas gaya nang naipangako habang maghahasa muna sa Adelaide 36ers sa National basketball League sa Australia.

 

 

Ibinunyag ito nitong Miyerkoles ng 18 taong-gulang at 7-3 ang taas na cage phenom kasabay sa pagseserbisyo sa Nationals na kakampanya sa 30th International Basketball Federation Asia Cup qualifier third and last window sa HUnyo 16-20 sa Clark Freeport sa Angeles, Pampanga at sa Fiba Olympic Qualifying Tournament sa Hun. 29-Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

 

 

“I would like to announce that I will be part of the team that will play for the OQT and the Asia Cup,” bulalas ng hoopsters na isinilang sa Las Piñas City. “Alam naman ninyo na ‘pag sinabi ni Kai, palaging lalaro ako sa Pilipinas.”

 

 

May ilang ulit na ring naglaro para sa Pinoy quintet ang binata sa national youth team o Batang Gilas bago nagpasyang magbaka sakali sa sablay niyang paglalaro sa Estados Unidos sa National Basketball League.

 

 

Ang pasya ni Sotto ay bunsod na rin sa nabatid na hindi pa siya qualify o eligible para sa 75th National Basketball Association Draft 2021 sa dating na Hun. sa Amerika, napag-alaman ng handler niya East West Private. (REC)

Other News
  • Pagkamatay ng mag-ama sa pamamaril sa Navotas, kinondena ni Tiangco

    MARIING kinondena ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang nangyaring madugong pamamaril ng dalawang hindi kilalang salarin na ikinamatay ng isang mag-ama at ikinasugat ng dalawa pang katao sa naturang lungsod.     Nagpaabot din ng kanyang taos pusong pakikiramay si Mayor Tiangco sa pamilya ng mga biktima at nangakong ibibigay sa kanila ang […]

  • General Tinio U-turn slot sa EDSA sinaraduhan

    Ang U-turn slot na nakalagay sa Caloocan sa may kahabaan ng EDSA ay sinaraduhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Simula ngayon, ang U-turn slot sa General Tinio ay sinaraduhan upang masiguro ang daloy ng mg EDSA Carousel buses na walang sagabal sa kahabaan ng EDSA.   “Affected motorists should take a turn at […]

  • MARIS, pinagdududahan ng netizens kung may relasyon na sila ni RICO

    KAARAWAN ni Rico Blanco noong Miyerkules, pero more than his birthday, ang naging pagbati ni Maris Racal sa kanya ang napag-usapan.     Ang tanong ng netizen na ikinagulat ng halos lahat, “sila ba?”     Nag-post si Maris sa kanyang Instagram account ng picture ni Rico at ang ikalawang post niya, habang tinutugtugan siya […]