NBI, inaresto ang 2 kataong nagsasagawa nang ‘di otorisadong home service covid swab test
- Published on April 24, 2021
- by @peoplesbalita
Agad isinalang sa electronic inquest proceedings sa City Prosecutor ng Quezon City ang dalawang kataong inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa hindi nila otorisadong pagsasagawa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) swab testing sa Quezon City.
Patong-patong na kaso ang isinampa sa mga suspek kabilang na ang apat na bilang ng Estafa, dalawang counts ng Falsification na may kaugnayan sa Cybercrime Law.
Sinabi ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric Distor na inaresto ng Special Action Unit (SAU) ng NBI sa Quezon City ang mga suspek na sina Bernadette Lagat at Paulo Arevalo Onate.
Ayon kay Distor, nag-ugat ang reklamo sa isang Facebook page na “Swab Test Pilipinas” na nag-o-offer ng home service swab test sa halagang P3,500 kada test.
Una rito, ibinunyag ng complainant na isang Berna Lagat ang nang-entertain sa kanya at nagkaroon sila ng komunikasyon sa pamamagitan ng cellphone number ng suspek.
Ang actual swab test ay isinagawa ng subject sa kapatid at pamangkin ng nagrekmao na taga Sampaloc, Manila.
Inihirit daw ng complainant na mag-isyu ng official receipt si Lagat pero hindi siya pinagbigyan ng suspek dahil hindi raw sila nag-iisyu ng resibo onsite.
Pagkatapos naman daw ng isang araw ay natanggap na niya ang negative RT-PCR result ng kanyang pamangkin mula sa Hero Laboratories.
Pero nang iberipika raw ng complainant ang resulta, sinabi ng pamunuan ng naturang laboratoryo na hindi sila nagsagawa ng RT-PCR test sa kanyang pamangkin.
Agad naman umanong kumilos ang NBI-SAU operatives sa reklamo at agad silang nakipag-ugnayan sa Facebook page Swab Test Pilipinas.
Kinumpirma ng FB page na affiliated daw sa Marilao Medical Diagnostic Center ang kanilang laboratoryo na accredited ng Department of Health (DoH) pero hindi nagsasagawa ng home service swab testing.
Nang beripikahin ng NBI sa Health Facilities and Services Regulatory Bureau ng DoH, natuklasan ng NBI-SAU na wala namang existing licensed facility bilang COVID-19 Testing Laboratory na ang pangalan ay Swab Test Pilipinas.
Lumalabas din sa verification ng NBI sa Hero Laboratories kung saan sinasabing dinala ang specimen ng kapatid at pamangkin ng biktima na hindi raw nag-e-exist o nagma-match sa kanilang records ang resulta ng RT-PCR test.
Dahil dito, agad nagsagawa ng entrapment operation ang NBI sa Don Pepe, Sto. Domingo sa Quezon City kung saana isinasagawa ang swab testing collection.
Bigo namang maglabas ang mga suspek ng mga dokumento para patunayang otorisado sila ng DoH at aminadong hindi rin sumalang sa training ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa pagsasagawa ng swab testing. (Daris Jose)
-
DOTr may plano na kumuha ng solicited proposals ng NAIA rehab
MAY PLANO ang Department of Transportation (DOTr) na isulong ang kanilang plano na kumuha ng mga solicited proposals para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Inaasahan ng DOTr na makapagbibigay ng rekomendasyon ang Asian Development Bank (ADB) para sa rehabilitation ng NAIA ngayon darating na June. Ang nasabing rekomendasyon […]
-
DA, inaasahan na bababa ang presyo ng sibuyas sa ₱100-150/kilo sa oras na dumating na ang inangkat na kalakal
INAASAHAN na ng Department of Agriculture (DA) na bababa ang presyo ng sibuyas sa halagang ₱100 kada kilo sa oras na dumating na sa bansa ang inangkat na kalakal. “We are looking at the ₱100-150 (per kilo) cap. These are estimates only because we have to get first the final price of the […]
-
Katuwang si MARJORIE at iba pang naniniwala sa plataporma: ANGEL, nagbahay-bahay para personal na ikampanya si VP LENI
MAGKATUWANG sina Angel Locsin at Marjorie Barretto na nagbahay-bahay para personal na ikampanya si Vice President Leni Robredo bilang Pangulo ng Pilipinas. Nagbahay-bahay ang mga artistang sumusuporta sa kanyang kandidatura, sa pangunguna ng mga aktres noong Sabado sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mula sa pagbisita sa Marawi City ay pinangunahan […]