• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial sasamahan ang Philippine boxing team

Balik Pilipinas na si Eumir Marcial upang makasama ang national boxing team sa paghahanda para sa Tokyo Olympics na idaraos eksaktong tatlong buwan mula ngayon.

 

 

Kasamang bumalik ng Pilipinas ni Marcial sina reigning International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas.

 

 

Bilang bahagi ng health protocols, sumasailalim pa sina Marcial at Ancajas sa 14 day quarantine period bago tuluyang makasa-lamuha ang mga mahal nila sa buhay.

 

 

Sinariwa ni Marcial ang ilang buwang training nito sa Amerika na itinuturing nitong malaking tulong sa kanyang tangkang masungkit ang gintong medalya sa Tokyo Olympics.

 

 

Nakasama ni Marcial sa training sa Los Angeles, California sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justin Fortune.

Other News
  • Panukalang divorce law umani ng iba’t ibang opinyon mula sa publiko

    UMANI  ng iba’t ibang reaksyon ang panukalang divorce law mula sa publiko, ang usaping ito kasi ay nais na muling buksan sa Kamara bilang pagpapahalaga sa well-being ng mga manggagawa maging sa labas ng kanilang trabaho. Sa pamamagitan ng House Bill 4998 o ang Absolute Divorce Act of 2022, itinutulak nito ang pagsasabatas ng divorce […]

  • Ginamit na campaign materials, maayos na itapon – DENR

    HINIKAYAT ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna ang mga kandidato ng  2022 national at local elections na linisin at itapon ng maayos ang kanilang campaign materials alinsunod na rin sa nakasaad sa Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.     “Win […]

  • Pagtaas ng pasahe sa MRT-3, hindi maiiwasan – DOTr

    HINDI  umano maiiwasan ang pagtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), kahit pa hindi ito maisapribado.     Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez kasunod ng pangamba ng ilan na tataas ang pasahe ng MRT-3 kung matutuloy ang planong isapribado ang operasyon at maintenance nito. […]