• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang divorce law umani ng iba’t ibang opinyon mula sa publiko

UMANI  ng iba’t ibang reaksyon ang panukalang divorce law mula sa publiko, ang usaping ito kasi ay nais na muling buksan sa Kamara bilang pagpapahalaga sa well-being ng mga manggagawa maging sa labas ng kanilang trabaho.
Sa pamamagitan ng House Bill 4998 o ang Absolute Divorce Act of 2022, itinutulak nito ang pagsasabatas ng divorce law.
Ayon pa kay Davao Del Norte 1st District Rep. Bebot Alvarez, mayroong karapatan ang bawat indibidwal na umalis sa relasyong hindi na maganda para sa kanilang kalusugan mapa mental o physical health.
Ngunit ayon sa ating mga nakapanayam, hindi umano sila pabor sa panukalang batas na ito dahil tayo ay nasa Pilipinas.
Sinabi pa ni Girlie Gonzales na kawawa umano ang mga anak na maghihirap kung sakali mang maghihiwalay ang mag asawa.
Pareho naman ang naging stand ni Dong Luz, aniya hindi siya pabor sa panukalang divorce dahil ang nakasanayan raw ng mga Pinoy ay buo ang pamilya, iba naman raw tayo sa ibang mga lahi.
Other News
  • BEWARE THE NEW TRAILER OF “VENOM: LET THERE BE CARNAGE” / “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE” UNVEILS SPOOKY MAIN TRAILER

    YOU are what you eat.     Feast on the new trailer for Columbia Pictures’ upcoming action-thriller Venom: Let There Be Carnage, (https://www.youtube.com/watch?v=NPdyL1NSlto) opening exclusively in Philippine cinemas soon.     Tom Hardy returns to the big screen in Venom: Let There Be Carnage as the lethal protector Venom, one of MARVEL’s greatest and most complex characters.   […]

  • 3 drug personalities arestado sa buy bust sa Caloocan

    Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang 21-anyos na bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ni […]

  • 22-K bilanggo pinalaya – Año

    Humigit kumulang 22,000 detainees ang pinalaya sa hangad na luwagan ang mga overcrowded nang bilangguan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sa isang statement, sinabi ni DILG chief Eduardo Año na 21,850 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa loob ng 470 kulungan na hawak […]