• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CIVIL REGISTRY NG MANILA LGU, WALANG IPINAPATUPAD NA “CUT OFF SYSTEM” AT “QUOTA SYSTEM”

WALANG  ipinapatupad na “cut off” o “quota system” ang tanggapan ng Local Civil Registry ng pamahalaang Lungsod ng Maynila.

 

 

Ito’y makaraang makatanggap umano  ng reklamo ang tanggapan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA)  hinggil sa pagpapatupad nila ng “cut-off time” sa pagtanggap at pagproseso ng mga dokumento kaya nagsagawa ng sorpresang inspeksiyon si Director General Jerimiah Belgica.

 

 

Ayon kay Manila Local Civil Registry OIC Atty. Cris Tenorio, wala umano silang ipinapatupad na cut off time o quota system sa kanilang tanggapan kung saan iginiit nito na tuloy-tuloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

 

 

“We assured the continuous running of our services during official business hours from 8 a.m. to 5 p.m., which may extend depending on the number of requests,” paliwanag ni Atty. Tenorio.

 

 

Gayunman, sinabi ni Tenorio na kailangan nilang kontrolin at limitahan ang pagpasok ng mga tao sa kanilang tanggapan upang mapanatiling maipatupad ang minimum health protocols.

 

 

Hinihikayat naman ni Tenorio ang publiko na maaari silang magpunta sa website na www.cityofmanila.ph o kaya ay magdownload ng Go Manila App upang maiproseso ang kanilang dokumento sa pamamagitan ng “online”.

 

 

Muli namang pinaalalahanan ni ARTA DG Belgica ang lahat ng mga ahensiya sa pambansa at lokal na pamahalaan hnggil sa pagbabawal sa cut-off / quota system, batay na din sa ilalim ng Republic Act. 11032 o ang Ease of Doing Business law, kung saan dapat itong panatilihin kahit na sa panahon ng pandemya.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • KELOT TODAS SA PINAGSELOSANG KATRABAHO NG GF

    DEDO ang isang 20-anyos na kelot matapos saksakin ng sinakal niyang pinagseselosang katrabaho ng kanyang girlfriend sa Valenzuela city.   Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa katawan ang biktimang si Jerome Vicente, 20, ng Sauyo, Quezon City.   Nadakip naman at nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek na kinilalang si […]

  • PBBM, aprubado ang plano ng DTI na paghusayin ang food distribution sa Pinas

    APRUBADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang estratehiya ng Department of Trade and Industry (DTI) na  mapahusay ang food logistics  sa Pilipinas.     Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinalakay ng Pangulo ang plano sa isang pulong sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang mga opisyal ng DTI, Department of Interior and Local Government (DILG), […]

  • Ads December 7, 2024