• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KELOT TODAS SA PINAGSELOSANG KATRABAHO NG GF

DEDO ang isang 20-anyos na kelot matapos saksakin ng sinakal niyang pinagseselosang katrabaho ng kanyang girlfriend sa Valenzuela city.

 

Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa katawan ang biktimang si Jerome Vicente, 20, ng Sauyo, Quezon City.

 

Nadakip naman at nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek na kinilalang si Joseph Llona Jr., 18, ng NPC Sukaban, Caloocan City.

 

Ayon kay PLt Armando I Delima, hepe ng Valenzuela Police Station Investigation Unit (SIU), naganap ang insidente sa kanto ng P. Santiago at Miranda sts., Paso De Blas.

 

Napagalaman sa imbestigasyon ng puliya, galing sa inuman ang magkatrabahong suspek at girlfriend ng biktima na itinago sa pangalang “Ligaya” at matapos ang inuman ay tinawagan ang babae ng kanyang boyfriend.

 

Sa hindi malamang dahilan ay lalaki ang sumagot sa telepono ng bebot na ikinapraning umano ni Vicente saka sumugod sa bahay ng nobya.

 

Nagtalo umano ang magsing-irog at matapos ito ay sinundan ng biktima ang suspek na naglalakad papuntang Miranda St. at biglang sinakal si Llona dahilan upang dalawang beses siya nitong sinaksak sa katawan.

 

Matapos ang pananaksak, tumakas ang suspek ngunit natunton at dinakip siya ng mga pulis sa kanyang bahay makalipas ang ilang oras. (Richard Mesa)

Other News
  • 1 Thessalonians 5:15

    Always seek to do good to one another and to all.

  • Senador Koko Pimentel, walang bilang sa partido

    NANANATILING chairman ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Kaagad na nagpalabas ng kalatas si PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag matapos na iboto ng paksyon na pinangungunahan ni Senador Manny Pacquiao si elected Senator Aquilino “Koko” Pimentel III bilang party chair, sinasabing para palitan si Pangulong Duterte.   Inilarawan […]

  • LIBO-LIBONG MGA TAGA-TAGUIG DUMAGSA SA BBM-SARA UNITEAM RALLY

    IPINAKITA ng mga taga-Taguig ang kanilang solidong suporta sa tambalan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at sa kanyang running mate vice presidential frontrunner Mayor Inday Sara Duterte nang dumagsa sila sa grand rally ng tambalan sa Arca South, Taguig City nitong Linggo ng gabi.     Umaga pa lang ay may marami nang […]