• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desisyon ng IATF sa magiging quarantine status ng NCR plus bubble, ibabase sa science at hard data” – Sec. Roque

DEDESISYUNAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) base sa “science at hard data” ang magiging quarantine status ng NCR plus bubble.

 

Kasalukuyan kasing nasa ilalim ang NCR plus bubble sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na nagsimula noong Abril 12 hanggang Abril 30.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga miyembro ng IATF, sa susunod na pulong ng mga ito ay titingnan ang analytics ng healthcare system ng National Capital Region Plus at ng bansa.

 

“Specifically, it will review the attack rate and the hospital care utilization rate while checking the economic health of the nation,” ani Sec. Roque.

 

“Our approach is whole-of-government and our overarching goal is to promote the total health of Filipinos, including people who have been marginalized due to loss of jobs and have experienced poverty as a result because of the imposition of strict lockdowns,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, dedesisyunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Martes, April 27 ang magiging quarantine status ng NCR plus Bubble para sa buwan ng Mayo.

 

 

Ito ay kinumpirma ni DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public press briefing.

 

Ayon kay Usec. Vergeire, nagpulong na aniya ang mga eksperto at inilatag ang posibleng mangyari sa mga susunod na linggo.

 

Dagdag pa niya, nasa desisyon na ng IATF kung susundin ang rekomendasyon ng UP-OCTA Research Team na panatilihin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at huwag munang ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR plus Bubble.

 

Ito ay sa kabila ng bahagyang pagbaba na ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos ang mga ipinatupad na mahigpit na quarantine status sa nakalipas na ilang linggo.

 

 

Sinabi pa ni Vergeire, tinitimbang ng IATF ang aspetong pangkalusugan at ekonomiya kaya masusing pinag-aaralan ang tamang aksyon para sa mga darating na araw. (Daris Jose)

Other News
  • Ni-reveal na ang mga upcoming projects: SHARON, ‘di pinakawalan dahil sa ABS-CBN gagawa ng dalawang teleserye

    SA kanyang Facebook at Instagram account, nagbigay ng latest update si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang dearest fans na nag-aabang sa mga projects niya after na mag-announce last March na ‘free agent’ na siya.     Pero good news ang hatid ni Mega dahil hindi pa siya pinakawalan ng ABS-CBN dahil sa kanyang mother […]

  • ASEAN, ikinalugod at nagpasalamat sa aktibong presensiya ng Estados Unidos sa rehiyon

    IKINALUGOD ng regional bloc ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang aktibong presensiya ng Estados Unidos sa rehiyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan.   Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN-US Summit, sa sidelines ng 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits.   “The regional security and prosperity of ASEAN […]

  • MMDA maghihigpit sa paggamit ng e-bikes, e-scooters

    MAGHIHIGPIT ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa enforcement ng Land Transportation Office (LTO) order upang maging maayos ang paggamit ng e-bicycles at e-scooters dahil sa mga maraming aksidenteng nangyayari na kinasasakungkutan nito.       Sinabi ni MMDA Traffic Discipline Office for Enforcement Victor Nunez na gusto lamang nilang magkaron ng road safety sa […]