• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan na tanggalin ang pondo ng Anti-Insurgency Task Force, hindi makatarungan – Malakanyang

PARA sa Makanyang, hindi makatarungan na alisan ng pondo ang national anti-community task force.

 

“Sa akin po hindi naman po justified. Hayaan nating gawin nila ang katungkulan nila,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Kaya nga, hayagang binasura ng Malakanyang ang panawagan ng mga senador na tanggalin ang pondo ng anti-insurgency task force na mayroong P19-billion allocation sa ilalim ng 2021 budget.

 

Giit ng Malakanyang, mapakikinabangan naman ito ng taumbayan.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa panawagan ng ilang senador na alisin ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil sa red-tagging sa mga organizers ng community pantries.

 

Nauna rito, kapuwa inakusahan nina NTF-ELCAC spokesman Police Lieutenant General Antonio Parlade, Jr. at Assistant Secretary Lorraine Badoy si Ana Patricia Non — isa sa mga organizers ng Maginhawa community pantry — bilang komunista.

 

Inihalintulad ni Parlade si AP Non kay Satanas “offering an apple to Eve,” habang si Badoy naman ay hindi malaman kung saan napunta ang P1 bilyong halaga ng donasyon sa Maginhawa community pantry.

 

“Iyong pondo po ay para sa mga proyekto na magbigbigay asenso sa mga lugar na meron pang rebelde,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Hindi naman po justified ‘yan [pagtanggal ng pondo],” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, sinimulan ng AP Non ang community pantry sa kahabaan ng Maginhawa St., Quezon City na nagsilbing inspirasyon naman sa iba para magbigay ng libreng pagkain sa mga nangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic at quarantine restrictions na dahilan para mawalan ng hanapbuhay ang mga tao. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • HORROR GAME PHENOMENON “FIVE NIGHTS AT FREDDY’S” BECOMES LATEST BLOOD-CHILLING CINEMATIC EVENT, RELEASES LATEST TRAILER

    FROM Blumhouse, producer of horror hits M3gan, The Black Phone and Invisible Man comes the latest game to film horror event – Five Nights at Freddy’s starring Josh Hutcherson, Elizabeth Lail, Kat Conner Sterling and Piper Rubio, with Mary Stuart Masterson and Matthew Lillard, directed by Emma Tammi. The film’s iconic animatronic characters is created by Jim Henson’s […]

  • TONY, nakapagpiyansa na at nag-file na rin ng motion for reconsideration para sa kaso niya

    NAKAPAGPIYANSA ang kontrobersyal na aktor na si Tony Labrusca pagkatapos siyang kasuhan for aggravated acts of lasciviousness ng Makati Office of the City Prosecutor.     Sa kanyang statement to ABS-CBN News Monday, Labrusca’s counsel Joji Alonso affirmed that Labrusca is innocent of the acts of lasciviousness charge.     “We sustain that Mr. Labrusca […]

  • NAVOTAS PINURI NI CONG. TIANGCO

    PINURI ni Congressman John Rey Tiangco ang Pamahalaang Lokal ng Navotas makaraang muling makamit nito ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) sa loob ng magkakasunod na anim na taon.     “Binabati ko po ang lahat ng kawani ng Pamahalaang Lokal ng Navotas, lalo na po ang ating butihing Ama […]