• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2,000 medical technologists, medical laboratory technicians nanumpa na

Aabot ng halos 2,000 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa online.

 

 

Base sa datos na hawak ng Professional Regulation Commission (PRC), nasa 1,957 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa via virtual platform.

 

 

Pinangunahan ni Marilyn A. Cabal-Barza, chairperson ng Professional Regulatory Board of Medical Technology (PRBoMT) ang Recital of the Professional’s Oath.

 

 

Habang si Marian Tantingco naman, miyembro ng PRBoMT, ang nanguna sa Recitation of the Code of Ethics.

 

 

Sa naging mensahe ni PRC Chairman Teofilo S. Pilando Jr., sinabi nito na 70 percent ng kasalukuyang medical decisions ay nakadepende sa laboratory test results. Pagpapatunay lang aniya ito ng mahalagang papel ng clinical laboratories sa healthcare system ng bansa.

 

 

Sa naging closing remarks naman ni PRC-NCR Director L. Louis Valera, nagpaalala ito sa mga bagong professionals na ang professionalism, excellence, at compassion ang dapat nilang isapuso sa lahat ng oras.

 

 

Ang naturang virtual oathtaking ay pinangasiwaan ng PRC NCR sa tulong ng PRC Lucena, PRC Baguio, PRC Davao, PRC General Santos, PRC Legazpi, PRC Iloilo, PRC Cagayan De Oro, PRC Tuguegarao, PRC Pagadian, PRC San Fernando, Pampanga, at PRC Cebu,

Other News
  • PBBM, nanawagan na paigtingin ang pakikipagtulungan sa BIMP-EAGA

    NANAWAGAN si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang pakikipagtulungan sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) para mas makasulong at umunlad pa ang rehiyon.     “BIMP-EAGA provides our common sub-region, which has long been impaired by strife, with better access to viable economic opportunities,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang interbensyon sa  15th […]

  • Pope Francis idineklara ang ‘Ash Wednesday’ sa Marso 2 bilang international day of fasting and prayer for peace para sa Ukraine

    IDINEKLARA ni Pope France ang paparating na Ash Wednesday sa Marso 2 bilang international day of fasting and prayer for peace.     Ayon sa Santo Papa na sa nasabing araw ay umaapela ito sa lahat ng panig na mag-abstain mula anumang hakbang na magdudulot ng paghihirap sa mga tao.     Magugunitang inanunsiyo ng […]

  • DoH nagpaliwanag sa pagpayag na optional na ang pagsusuot ng face mask sa outdoor

    DUMIPENSA ang Department of Health (DOH) sa pagpayag nila sa lifting ng mga pagsusuot ng face mask o magiging optional na lamang sa mga outdoors.     DOH Undersecretary at OIC Maria Rosario Vergeire, ginawa nila ang desisyon batay na rin sa pahayag ng World Health Organization na ang face mask mandates ay dapat nakapokus […]