• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abueva, balik laro na matapos tanggalin ng PBA ang suspension

TINANGGAL na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang suspension ni Calvin Abueva.

 

Sa inilabas na kalatas ng liga, maaari ng makasama ng Phoenix Super LPG si Abueva sa kanilang laro simula nitong araw ng Lunes.

 

Isinaad pa dito na aktibong lumahok si Abueva sa mga counselling program.

 

Bago ang nasabing desisyon ay nagkaroon ng pag-uusap ang PBA sina Super LPG team manager Paolo Bugia at coach Topex Robinson.

 

Kasama sa pagpupulong sina PBA Commissioner Willie Marcial, deputy commissioner Eric Castor at technical officer Mauro Bengua.

 

Inilahad pa ni Marcial na sakaling maulit muli ni Abueva ang pangyayari ay masususpendi rin ito at papatawan ng mas mabigat na multa.

 

Umaasa si Marcial na may natutunan ng aral si Abueva sa pangyayari.

 

Magugunitang noong nakaraang Hunyo 2019 ay pinatawan ng indifinite suspension si Abueva matapos ang banggaan nila ni TNT import Terrence Jones at ang nobya ni Ray Parks.

Other News
  • Miyembro ng PCG, inaresto sa pagpapaputok ng baril

    INARESTO ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nakaraang aminin na nagpaputok ng baril habang nag-iinuman sa Sampaloc, Manila Lunes ng madaling araw.     Kinilala ang suspek na si CG ASN Christopher Busilan, miyembro ng Philippine Coast Guard at residente ng 25th Street, Pier 15, Port Area, Manila. At nahaharap sa kasong paglabag […]

  • Dodgers tinalo ang Yankees 2-0

    TINALO ng Los Angeles Dodgers 2-0 ang New York Yankees sa pagsisimula ng World Series.     Naging susi sa panalo ang nagawang home runs nina Tommy Edman, Teoscar Hernandez at Freddie Freeman ganun din ang matagumpay na pitching ni Yoshinobo Yamamoto.     Nabahala naman ang fans ng Dodgers matapos na magtamo ng injury […]

  • Perez pambulaga ng SMB bilang panimula, kapalitan

    INAARAL pa ni Leovino ‘Leo’ Austria ang magiging papel ni Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa San Miguel Beer kung starter, o off the bench para sa pagbubukas ng 46th Philippine Basketball Association (PBA 2021 Philippine Cup.     Mababatid ito kapag nakaliskisan na sa ensayo na ang 2018-19 Rookie of the Year, 2018 top rookie […]