• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Internet connection sa LRT 2 pinalakas pa ng SMART

Pinalakas pa ng Smart Communications ang network coverage sa lahat ng estasyon ng Light Rail Transit Line 2 upang mas mabigyan ng magandang serbisyo ang mga sumasakay.

 

 

Naglagay ang Smart ng microsites upang mas gumanda ang internet service sa LRT 2 na mayrong 11 na estasyon simula sa Santolan sa Pasig hanggang sa Recto sa Manila.

 

 

Ang microsites na ito ay magbibigay ng karagdagang LTE coverage at capacity upang magkaron ng mas mabilis na mobile data para sa mga sumasakay na magagamit nila habang sila ay nakasay sa LRT 2.

 

 

“This is part of our efforts to collaborate with the government in improving the mobile data experience of our customers wherever there’s customers wherever there’s need, using the best technologies despite the challenges posed by the pandemic,” saad ni PLDT and Smart head of technology Mario Tamayo.

 

 

Umaakma ang expansion at upgrade ng mobile data network sa kabuohang LTE network lalo na sa mga urban areas kung saan natutulungan ang kanilang mga customers na magtrabaho at mag-aral sa kanilang mga tahanan. Makakatulong din ito sa sa mga online businesses, panood ng mga news at iba pang upadates tungkol sa pandemya at vaccine roll out kasama na rin ang pakikipagugnayan sa ating mga mahal sa buhay habang pinapatupad ng social distancing sa gitna ng pandemya.

 

 

Simula pa noong 2016, ang Smart ay nagtataguyod na upang tumaas ang paglalagay ng WIFI sa mga high foot-traffic areas sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong mabilis, libre at maaasahan sa araw-araw na internet connectivity sa mga transport hubs, airports, universities, malls at hospitals.

 

 

Sa kasalukuyan, ang Smart mobile network ay nagbibigay ng serbisyo sa 96 percent na population at kinikilala sa bansa na mayron na pinakamabilis na mobile network ng binigay ng third party firm na Ookla noong 2018.

 

 

“Our consistent network superiority is a result of PLDT’s continuous investments in the expansion of fixed and wireless networks nationwide to elevate the telecommunications industry and deliver world-class services to the Filipinos,” dagdag ni Tamayo.

 

 

Ayon sa PLDT naglaan sila ng P88 billion hanggang P92 billion para sa kanilang capital expenditures itong taon na siyang patuloy na magbibigay ng suporta sa patuloy na expansion ng kanilang 4G/LTE network sa buong bansa at ang mabilis na roll out ng kanilang 5G.  LASACMAR

Other News
  • KAKAI, mukhang idinaan na lang sa mga posts ang sagot sa ‘demand letter’ ng management ni MARIO MAURER

    IDINADAAN nga ba ng Dental Diva na si Kakai Bautista sa mga posts ang sagot niya sa ipinadalang demand letter ng management ni Mario Maurer sa kanya?     Mula sa mga captions niya na, “Hooh hirap pag sobrang gandaa. Ismayl nalang si Tyang sa mga taonga yaw tumigil.” Hanggang sa, “BRB. Too busy loving […]

  • Humanga ang mga netizens sa ginawa: INA, nakipagsabayan kay MICHAEL at ‘di nagpatalo sa sakit

    IBA rin ang professionalism at pagmamahal sa trabaho ni Kapuso actress Ina Feleo.       Gumaganap si Ina bilang isang mahusay na coach ng figure ice skating sa first ice skating serye on TV, ang “Hearts on Ice” na tampok si Ashley Ortega na isa ring figure skater bago siya nag-artista, at si Xian Lim, […]

  • Nang tanungin sa totoong estado ng relasyon: PAULO, naghihintay pa rin kung gugustuhin ni JANINE

    HANDA na ba sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na sabihin kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon?     “Sakto lang,” sagot ni Paulo tungkol sa real status ng relasyon niya with the award-winning young actress. “Busy naman kami sa mga trabaho namin ngayon. Janine is doing another teleserye.”   “Next month we […]