• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cong. Tiangco nagpositibo sa COVID-19

Inanunsyo ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco na positibo siya sa COVID-19 makaraang lumabas sa kanyang RT-PCR na kumpirmado ang naging resulta nito.

 

 

Sa post niya sa kanyang facebook account, unang sinabi ni Cong. Tiangco nagpositibo siya sa kanyang antigen test kaya’t agad siyang nagpa RT-PCR test.

 

 

“Mabuti naman po ang aking pakiramdam at kasalukuyan po akong naka-quarantine. Patuloy po akong magbibigay ng ulat sa inyo tungkol sa aking kalagayan” ani Cong. Tiangco.

 

 

Nanawagan siya sa kanyang mga nakasalamuha na mainam na magpa-swab test para na rin para sa kanilang kaligtasan. Libre aniya ang RT-PCR swab test at makipag-ugnay lamang sa kanilang barangay o health center.

 

 

“Sa kabila ng lahat ng aking pag-iingat, hindi pa rin po ako nakaligtas sa virus na ito. Sabi nga nila, OA ako dahil doble-doble ang aking face mask, di ako umiinom o kumakain kapag nasa labas, at nagbibihis at naliligo agad pagdating ng bahay. Gayunpaman, nahawaan pa rin po ako. Kaya higitan n’yo pa po ang inyong pag-iingat, lalo na kung di talaga maiwasang lumabas ng bahay para magtrabaho” pahayag ni Cong JRT.

 

 

“Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para maipagpatuloy ang aking mga tungkulin at mga programang ating nasimulan” dagdag niya.

 

 

Nagpapasalamat ang mambabatas sa lahat ng mga nag-aalala at mga nanalangin para sa kanyang paggaling sa lalong madaling panahon. “Sa awa ng Panginoon, malalampasan din po natin ang pagsubok na ito!” Sabi niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads September 11, 2023

  • Bilang ka-partner ni Wilbert sa digi-series: TikToker na si YUKII, nabigyan ng big break sa ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’

    PATULOY na nagwawagi ang Puregold sa sektor ng retailtainment, dahil nakaabang ang mga manonood sa bansa sa pinakabago nitong digital series na Ang Lalaki sa Likod ng Profile.   Tampok sa kapana-panabik na serye ang 21-taong gulang na Tiktok sensation na si Yukii Takahashi, na gumaganap na Angge, ang bidang babae.   Nagsimulang lumikha ng […]

  • Aminadong gumaan ang pakiramdam: POKWANG, masaya na lilisanin na ng dating asawa na si LEE ang ‘Pinas

    MASAYANG ikinuwento ng Kapuso aktres at komedyanang si Pokwang na tuloy na tuloy na raw na lilisanin na ng dating asawang si Lee 0’ Brian.  Sey pa ni Ms. P. na sa wakas daw ay lalayasin na ng ama ng anak niya ang bansang Pilipinas. “Well, at least gumaan ang loob ko at I’m so […]