• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Santiago interesadong mag-SEAG at AWVC

PINANGUNAHAN ng sikat na si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang 16 na mga dumalo buhat sa 40 inanyayahan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa women’s indoor team tryout nitong Miyerkoles sa Subic Gymnasium sa Zambales.

 

 

Karay ng Japan V. League gold medalist sa pagtitipon sina incoming Premier Volleyball League (PVL) stars Abigail ‘Aby’ Maraño, Mary ‘Majoy’ Baron, Mylene Paat, Dell Palomata,  Iris Tolenada, at Ria Meneses.

 

 

Nagsadya rin sina Ejiya ‘Eya’ Laure, Faith Janine Shirley Nisperos, Jennifer Nierva, Ivy Lacsina, Mhicaela Belen, Alyssa Solomon, Bernadette Pepito, Kamille Cal, at Imee Hernandez.

 

 

“The federation puts the health and safety of the participants in equal footing with our goal of forming the national teams as soon as possible,” bigkas ni PNVF president Ramon Suzara.

 

 

Hinirit pa niyang ang mabubuong koponan ang magiging pambato ng bansa para sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2, at sa 21st Asian Women’s Volleyball Championship sa itatakda pang petsa sa Agosto sa Pilipinas o sa China.

 

 

Pinangasiwaan ni national coach Arthur  Mamon ang kaganapan na hindi napuntahan ni  Mar-Jana ‘MJ’ Phillips na nasa quarantine sa pagkapositibo ng isang Sta. Lucia Realty staffer.

 

 

Idinagdag ni Suzara na ang mga hindi nakapunta’y malamang na hindi na masama sa team maliban na lang kung balido ang rason.

 

 

Tama lang iyan Tats. Nasa likod mo ang Opensa Depensa.

Other News
  • Abalos kay Azurin, CCTV footage “speaks for itself”

    SINABI ni Interior Secretary Benhur Abalos na ang  CCTV footage ay “speaks for itself” sa di umano’y  cover-up attempt o pagtatangka umanong itago ang serye ng mga operasyon na ikinasa noong Oktubre 2022 lalo na ang  nakulimbat na P6.7 bilyong halaga ng shabu ng ilang pulis.     Ang pahayag na ito ni Abalos ay […]

  • Theater debut ni Marian, tuloy na sa upcoming virtual play na ‘Oedipus Rex’

    TULOY na ang theater debut ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, sa pamamagitan ng Tanghalang Ateneo’s upcoming virtual play, an adaptation ng classic na Oedipus Rex.    Ang production ay ipalalabas using the video app Zoom.   Ayon kay Marian, nagkaroon siya ng second thoughts nang i-offer ito sa kanya ni director Ron Capinding.       […]

  • BAGONG MODUS OPERANDI NG MGA RECRUITERS, NABUKING NG BI

    NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang ilang biktima ng human trafficking na patungo sa United Arab Emirates (UAE) na binigyan ng pekeng intinerary ng kanilang recruiters.     Sa ulat ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) in Manila and Pampanga kay BI Commissioner Jaime Morente , ibinunyag nila ang bagong modus operandi ng […]