• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Theater debut ni Marian, tuloy na sa upcoming virtual play na ‘Oedipus Rex’

TULOY na ang theater debut ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, sa pamamagitan ng Tanghalang Ateneo’s upcoming virtual play, an adaptation ng classic na Oedipus Rex. 

 

Ang production ay ipalalabas using the video app Zoom.

 

Ayon kay Marian, nagkaroon siya ng second thoughts nang i-offer ito sa kanya ni director Ron Capinding.       “Dati siyang professor ni Dong sa Ateneo de Manila University, kaya ipinaalam ko muna ito sa kanya, at ipinauna ko na sa kanya na ‘hindi ko yata kaya.’     

 

      Pero in-assure ako ni Dong, sabi niya, “kaya mo ‘yan, isipin mo na lang na you’re doing television work.  It’s a big step for me.”

 

Hindi pa sinasabi kung ano ang role na gagampanan ni Marian.  At naging palagay na raw ang loob ni Marian nang makipag-meeting at makausap niya ang ibang cast members, sina Marlon Rivera, Gabe Mercado, Katski Flores at Yan Yuzon, who will play the title role.  Co-actor Katski welcomed Marian: “This is a launching pad.  Welcome to the tribe Marian Rivera! Enjoy and stay will you?”

 

      Meanwhile, sa kabila ng pandemic, tuluy-tuloy pa rin si Marian sa pagkakaroon ng mga bagong endorsements at sa pagpu-promote ng mga ito.  Ang latest niya last Tuesday, November 24, ay ang grand opening ng Waltermart Malolos.

 

At tuluy-tuloy din ang pagti-taping niya ng mga spiels ng new episodes ng OFW documentary na Tadhana na napapanood every Saturday, 3:00PM sa GMA-7.

 

*****

 

MARAMI nang going crazy na mga fans ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards dahil palapit na nang palapit ang kanyang Alden’s Reaity: The Virtual Reality Concert, na magaganap sa December 8 at 9:00PM, here and abroad.

 

Kaya kung gusto ninyong mapanood ang first virtual reality concert na magaganap sa Pilipinas, umagap na kayo ng tickets na sabi’y almost sold out na.  Mag-log on lang sa www.gmanetwork.com/synergy.

 

Pero kasabayan na rin ng concert ay ang paglalabas na rin ng first single for a while na rin ni Alden sa GMA Music, na sabi’y ginawa para sa concert ni Alden? Titled itong “Goin’ Crazy” na sa interview kay Alden para sa concert.

 

Ngayon pa lamang ay pwede na kayong mag-pre-order  ng single sa iTunes simula sa December 1, 2020, pero ang official release ng “Goin’ Crazy” ay mismong sa araw ng concert, sa December 8. #AldenSingleGoinCrazy.

 

*****

 

FOR the first time, after 12 years, ngayon lamang pala makakapag-celebrate ng Christmas si Gabby Concepcion at ang kanyang family sa Pilipinas, dahil every year pala, since 2008, bumabalik sila ng California para doon mag-Pasko.

 

Pero hindi matutupad ang yearly White Christmas nila dahil magsisimula na ang lock-in taping ni Gabby at ang cast ng romantic-comedy series na First Yaya nila ni Sanya Lopez at matatapos ito bago mag-Christmas.

 

It’s a new experience ito sa family ko na narito kami sa Pilipinas at makikita nila ang Christmas traditions natin dito,” masayang pahayag ni Gabby. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Surigao del Sur

    NAGSAGAWA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng aerial inspection  sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Tandag, Surigao del Sur.   “Weather-permitting, the President intends to visit para mabilis din iyong aksyon kapag may nakita siya na mga gaps or kailangan pang gawin over and above what is already being done by government,” ayon […]

  • PBBM, tinitingnan ang ‘cutting-edge” micro nuclear fuel technology para resolbahin ang powers crisis sa bansa

    TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “cutting-edge” micro nuclear fuel technology bilang bahagi ng pagsisikap ng kanyang administrasyon na  lutasin ang power crisis sa bansa.   Ito’y matapos na makipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng  Ultra Safe Nuclear Corporation, isang US-based firm global leader at vertical integrator ng  nuclear technologies at services.   Sa  meeting sa Washington, nagpahayag ng […]

  • Ads October 22, 2022